^

Punto Mo

EDITORYAL - Leptospirosis sa mga binahang lugar

Pang-masa
EDITORYAL - Leptospirosis sa mga binahang lugar

ISA sa mga pinangangambahang sakit na maaring makuha sa baha ay leptospirosis. Ang sakit na ito ay nakukuha kapag ang isang lumusong sa baha ay walang pamprotekta sa kanyang mga paa gaya ng bota. Mataas ang tsansa na magka-leptospirosis kapag ang lumusong sa baha ay may sugat sa paa at binti. Galing ang sakit sa ihi ng daga at iba pang hayop. Humahalo ang ihi ng mga hayop sa tubig baha.

Grabeng baha ang naranasan sa Marikina, at iba pang lugar sa Metro Manila dahil sa Bagyong Ulysses. Nagmistulang ‘‘water world’ at marami sa mga residente sa Marikina ang nag-akyatan sa bubong para makaligtas. Umapaw ang Marikina River at agad nalubog ang mga bahay na malapit sa ilog. Ang Provident Village na dati nang binaha noong 2009 nang manalasa ang Bagyong Ondoy ay binaha na naman at matindi pa umano.

Bumaha rin sa Cagayan at Isabela province noong Biyernes. Maraming tao ang nag-akyatan sa kanilang bubog para makaligtas. Siyam ang namatay sa pagbaha sa mga nasabing lugar.

Nagbabala ang Department of  Health (DOH) sa posibleng pagkalat ng leptospirosis sa mga binahang lugar. Noong nakaraang taon, may naitalang 453 na kaso ng leptospirosis sa buong bansa at 42 ang namatay.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw.

Maging maingat at huwag basta-basta lulusong sa baha na walang proteksiyon sa paa. Hindi dapat ipagwalambahala ang leptospirosis sapagkat maaari itong ikamatay.

Nararapat na magkaroon ng kampanya sa bawat barangay para hulihin ang mga daga na nagdudulot ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpa-panatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Kailangan ma­imulat ang mamamayan para hindi sila mapahamak sa sakit na nakamamatay. Huwag balewalain ang mga sintomas ng leptospirosis makaraang lumusong sa baha.

 

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with