^

Punto Mo

Quarrying dapat nang matutukan ng DENR

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakakalungkot isipin na kung kailan patapos na ang taon ay doon muling nakaranas ng matitinding kalamidad ang bansa na kung saan marami sa ating mga kababayan ang talagang naapektuhan.

Sunud-sunod ang naging paghambalos ng malalakas na bagyo na nagwasak sa maraming kabahayan. Malaking bahagi ng Luzon at hindi rin nakaligtas ang Metro Manila sa lupit ng mga nagdaang bagyo.

Wala naman talagang makapipigil sa ganitong pangyayari, oo nga’t gawa ito nang kalikasan pero sa isang banda nakikitang, pinalalala ito ng kapabayaan at kapangahasan na rin ng ilan.

Hindi biro ang naging pagbaha sa Metro Manila partikular sa Marikina at sa ilang karatig lugar sa Rizal.

Rumagasa at mabilis ang naging pagtaas ng tubig, kaya marami ang na-trap sa bubong ng kanilang bahay.

Hindi maikakaila, talagang malaking volume ng tubig ang ibinuhos ng bagyong Ulysses na nagpalubog sa lugsod ng Marikina, isama na ang Rodriguez sa  Rizal, pero ang nakikita isa rin sa nakikitang dahilan dito ay ang hindi matapus-tapos na  mga ginagawang pagmimina at  quarrying sa nabanggit na lalawigan.

Noon pa man umano, hindi pa man bumabayo ang malalakas na bagyo, umapela na ang maraming residente sa ilang lugar sa Rizal na ipatigil ang mga quarrying dito na nakikita nilang naging dahilan sa matitinding pagbaha.

Ang masaklap pa nga rito, ang ilang kompanya na nag-ooperate nito ay mga maimpluwensyang pulitiko o ang ilan  ay may ‘basbas’ ng ilang pulitiko lugar.

Kung magpapatuloy ang ganitong gawain at aktibidad hindi malayong sa mga susunod na panahon baka mabura na sa mapa ang buong Metro Manila, dahil lamang sa kapangahasan at pagsasamantala ng mga taong nagpapatakbo nito.

Nakakaalarma ang ganitong mga paghuhukay na kumakalbo sa kabundukan.Dapat na itong matutukan ng pamahalaan partikular ng DENR.

Hindi lamang sa lalawigan ng Rizal kundi maging sa iba pang lugar na ganito rin ang nakikitang dahilan kaya madalas na malubog sa malalim na pagbabaha.

Huwag naman sanang mangyari na marami pa ang magbuwis nang buhay bago ito tuluyang maaksiyunan.

‘Wag naman puto ‘kita’ , malasakit naman sa mga mamamayan ang dapat na maipakita.

 

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with