^

Punto Mo

Tulong o suhol?!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA ako sa mga maraming interesado sa kung ano ba itong mga charges na ipapataw sa kontrobersiyal na ambassador natin sa Brazil.

Ito ba’y magiging “charges” lamang sa papel o kung talagang papapanagutin ang ambasadora sa pagmamalupit sa kanyang kasambahay. 

Hindi maparusahan sa bansang kanyang pinanggalingan dahil sa tinatawag na “diplomatic immunity.” Pinauwi nga agad ng Pinas para makundena’t maparusahan kung nagkasala.

Subalit para bagang pinatatagal, pinalilipas ang panahon para makalimutan o mawalan na ng interes ang taumbayan.

Isa ring palaisipan sa akin ang paggamit ng pula o official passport ng mga kasambahay ng mga diplomats.

 Ang pulang passport ay ginagamit ng mga may posisyon sa pamahalaan tulad ng mga sekretaryo at Gabinete. Habang dark blue naman ang pasaporte ng mga diplomats tulad ng Ambassador, Consul at Vice-Consul. 

Eto ang siste, ang mga kasambahay na ito ng mga diplomats na bitbit nila sa bansang pupuntahan ay hindi naman empleyado o pinasasahod ng gobyerno. So, bakit pulang passport?

Hindi rin nasa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kasambahay ng mga diplomats tulad ni Leonila De Ocampo. Paano ang kanilang proteksiyon?  

Kami sa BITAG, marami nang kaso ng pang-aabuso ng mga dayuhang employer ang inilapit sa amin. Kaya’t hindi na bago sa amin ang mga isyu ng pagmamaltrato ng amo.

Sa awa ng Diyos at sa tulong ng mga tamang ahensiya sa gobyerno na nagiging katuwang namin ay agarang nasosolusyunan at nabibigyan ng tulong ang mga biktima.

Kung mapapansin, ang mga biktima, nagsasalita’t nagbabahagi ng kanilang mga karanasan upang maging babala at paalala sa iba. Natututo ang karamihan sa mga karanasang ibinabahagi.

Real talk lang, sa kasong ito ng kasambahay ng ambasadora, agad pinauwi ng probinsiya’t binigyan ng pinansiyal na tulong na P200,000.

Ang tanong ulit, ito ba’y tulong o suhol? Bakit hindi nakikita ng media para sa kaalaman ng publiko? Naging national issue na ito na dapat pinagu-usapan at hindi pagtakpan.

Marami tuloy ang nagtatanong, may media blackout daw ba?!

vuukle comment

BRAZIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with