^

Punto Mo

Nagsimula sa cell phone na walang load

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAYROON siyang cell phone pero hindi niya namala-yang ubos na pala ang load. Kailangan niyang tawagan ang kanyang nanay na naghihintay sa kanya sa isang mall. Hindi siya makakarating sa date nila ng kanyang nanay dahil big­lang binago ng kanyang propesor ang schedule ng kanilang monthly exam. Kawawa naman ang nanay niya. Mamumuti ang mga mata nito sa kahihintay sa kanya.

May cell phone ang nanay niya pero limitado lang ang “knowledge” nito sa paggamit. Noong isang linggo lang ito nagkaroon ng cell phone. Ang tanging alam ni Mother ay sagutin ang incoming call. Maliban doon ay wala na. Kaya siya ang dapat tumawag dito para sabihing umuwi na ito dahil gagabihin siya sa unibersidad.

Closed na ang loading station na malapit sa kanilang building. Sa oras pa namang iyon ay wala na ang mga kabarkada niya. Nag-uwian na. Wala na talagang mahihiraman ng cell phone. Naisip niyang makiusap sa kanyang seatmate na makikigamit siya ng cell phone at babayaran na lang kung magkano ang makukunsumo niya o makiki-pasa load siya. Pero nakakahiya. Hindi kasi palabati ang classmate niyang ito. Tipong mayamang-sosyal-na-suplada.

Isa pa, may nabalitaan siyang masamang  karanasan daw ng seatmate niyang ito tungkol sa hablot cell phone gang. Nahablot daw ang cell phone nito sa gitna ng traffic sa EDSA nang binuksan nito ang bintana upang sumagap ng signal. Ay sus, baka akalain ay modus lang niya ang panghihiram. Ang ganda pa naman ng cell phone nito. More or less sa tantiya niya ay  P60,000 ang halaga noon. Baka sa halip na pahiramin siya ay irapan lang siya. Mahilig itong umirap kahit sa kanilang propesor kapag binara ito dahil sa maling sagot sa recitation.

Na-carried away ang daughter na may nanay na naghihintay sa mall sa kanyang mala-teleseryeng imagination. Bigla itong tumayo at hinarap ang mayamang-sosyal-na-supladang seatmate.

“Hoy, excuse me, wala akong balak manghiram ng cell phone mo ‘noh.”

Natigalgal ang mayamang sosyal-na-supladang seatmate. Pero agad itong natauhan at nakasagot: “Duh! What’s your problem, idiot!”

Hiyang-hiya ang babaeng may mala-teleseryeng imagination. Lumabas ito ng classroom at nagpasyang puntahan na lang ang inang naghihintay sa mall. Kinabukasan na lang siya magpapaliwanag sa propesor para makiusap ng special exam.

“Paranoia.  The more you think of an imaginary problem, the more you feel it’s real”. – Simona Panova

vuukle comment

CELLPHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with