^

Punto Mo

Demand letter, mahalaga sa pagsasampa ng kaso

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ko pa bang padalhan ng demand letter ang may utang sa akin bago ako makapagsampa ng kaso? Hindi ba dapat alam na niya na kailangan niyang bayaran ang utang niya sa nakatakdang petsa katulad ng napagkasunduan namin at hindi ko na siya kailangan pang singilin sa pamamagitan ng sulat? —Nerilyn

Dear Nerilyn,

Kailangan ang pagpapadala ng demand letter sa may utang sa iyo kung may balak kang magsampa ng kaso ukol dito, mapa-civil case man o criminal.

Importante ang demand letter sa mga civil cases dahil nakasaad sa Article 1169 ng Civil Code na kailangang magbigay ng demand ang isang creditor bago masabing kailangan ng magbayad ng nagkakautang sa kanya puwera na lamang kung napagkasunduan nila sa kontrata na hindi na kailangan ng anumang paniningil upang masabing kailangan nang bayaran ang utang.

Ibig sabihin, kung walang demand letter ay hindi maipagpapalagay sa ilalim ng batas na hindi tumutupad sa kanyang obligasyon na magbayad ang isang nagkakautang. Dahil hindi pa naman kailangang magbayad habang wala pang demand letter, maaring ma-dismiss ang isang civil case para sa paniningil ng utang dulot ng kakulangan ng cause of action o kakulangan ng dahilan para magsampa ng kaso. Sa madaling sabi, nais ng batas na pormal na maningil muna ang isang nagpautang at saka lamang siya dumulog sa korte sakaling balewalain pa rin ito ng may utang sa kanya.

Mahalaga rin ang demand letter para sa mga criminal cases, partikular na sa BP 22 at estafa  kung saan isa ang pagbibigay ng demand sa akusado sa mga elemento ng mga nabanggit na krimen.

Base sa mga nabanggit ay hindi mo dapat kaligtaan ang pagpapadala ng demand letter sa may utang sa iyo kung may balak kang magsampa ng kaso dahil baka mabasura lamang ang demanda mo dahil sa kawalan nito.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with