^

Punto Mo

Sindikato ng droga online, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil nga sa pandemya, naging patok ang mga online transaction.

Dito bumaling ang marami nating mga kababayan, mula sa pagbebenta ng kung anu-ano, meron din naman na dito na nagsa-shopping sa takot na lumabas at mahawa sa COVID.

Talagang umalagwa ang online business at mga deliveries,  eto ito na rin ang ginamit ng maraming sindikato maging ng drug syndicate na hindi nagpahuli at dito na rin isinagawa  ang pamamaraan ng kanilang operasyon.

Bukod naman dyan, umariba rin ang iba’t ibang scams na bumiktima sa marami nating kababayan.

Nakatawag pansin na rin ito sa mga mambabatas kaya nga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sisimulan na nilang imbestigahan ang mga online scams.

Kasama na nga rito ang bentahan ng ilegal droga, iba pang scams at mga pekeng transaksyon.

Kinumpirma ng PDEA, na  may mga nasabat ng ilegal droga na pinapadaan sa online transaction.

Maging drug paraphernalia,  nabibili rin online sa iba’t ibang shopping sites.

Ibinunyag din ng PDEA na sinasamantala ng mga sindikato ng droga ang paglakas ng demand sa mga online selling platform na dito na rin sila nag-o-operate.

Maging ang TNVS at mga delivery riders ay kinasangkapan din ng sindikato ng ilegal na droga sa pagdedeliber ng kanilang mga package.

Kaya nga dapat ding maging mahigpit ang ilang online platforms, wag lang arya nang arya para lang kumita.

Dito rin nangangailangan ng  mas mahigpit pang pagmomonitor ang mga kinauukulan lalo na nga’t dyan na nagpapatuloy ng operasyon ang maraming uri ng sindikato at scams. 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with