^

Punto Mo

Sino ngayon ang tunay na mabait?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NATATANDAAN ko ang sinabi ng madreng titser namin sa Religion class noong high school: Mas maganda kung ang perang itinulong mo sa kapwa ay binawas mo mula sa iyong kakarampot na pera. May elemento ng sakripisyo ang ganoong klase ng pagtulong kumpara doon sa perang ipinantulong ng isang mayaman. Oo, nakatulong din iyon pero walang kasamang sakripisyo dahil ang perang ipinantulong ay binawas lamang sa marami niyang kayamanan.

Si Mr. Piccio ay isang solterong mayamang negosyante. Mahilig siyang mag-donate sa kawanggawa. Hindi na mabilang sa daliri ang mga charitable institutions na nakatanggap ng kanyang tulong. May kapatid siyang nakikitira sa kanilang bahay. Si Mr. Piccio na rin ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan ng kapatid dahil matanda na ito at walang trabaho. Ang kapatid niya ay biyuda ngunit walang anak.

Minsan habang nasa abroad si Mr. Piccio ay sumama ang pakiramdam ng kapatid. Biglang nagtae at nagsuka nang walang humpay. Walang kapera-pera ang pobreng kapatid kaya hindi makapagdesisyon ang mga katulong na dalhin ito sa doktor. Halos hindi na makagulapay ang biyuda kaya nagpasyang humingi ng tulong ang mga maids sa isang pamangkin ng biyuda. Sa tulong ng pamangkin ay nadala sa ospital ang biyuda at nagamot.

Alam ng biyuda na ang perang ginastos sa kanya ng pamangkin ay binawas lamang sa pambayad ng tuition ng  anak nito. Isang kahig, isang tuka lamang ang buhay ng pamangkin. Pag-uwi ng biyuda mula sa ospital ay dumating na si Mr. Piccio mula sa abroad. Ikinuwento ng biyuda na ang kanilang pamangkin ang gumastos sa ospital. Kung puwede ay si Mr. Piccio na muna ang magbayad ng perang ginastos ng pamangkin dahil nakalaan ang pera bilang pang-tuition. Ikinagulat ng biyuda ang isinagot ng kapatid sa kanya.

“Ako na lang lagi ang gumagastos sa pangangailangan mo, hayaan mong sila naman ang makaranas gumastos sa iyo.”

Nakarating ang salitang iyon sa pamangkin. Sa isip ng pamangkin : “Wala akong obligasyon sa inyo dahil hindi ko kayo magulang. Mas obligasyon mong tumulong dahil ikaw ang maraming pera at ikaw na lang ang kaisang-isang kapatid na puwedeng asahan. Mas mabuti pa ang ibang tao sa iyo at tinutulungan mo nang walang panunumbat. Plastik na pilantropo.”

Pero siyempre, wala siyang pagkakataon na masabi iyon sa plastik niyang tiyuhin kaya isinaloob na lang niya ang lahat. Nasambit na lang niya na bahala na ang Diyos sa kanila. Walang nagawa ang pamangkin kundi mangutang na lang sa kaibigan para mabuo ang nabawasang pang-tuition ng anak.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with