^

Punto Mo

Modus sa lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kapansin-pansin na imbes na mabawasan patuloy sa pag­dami ang mga nakakalat na namamalimos sa lansangan.

Bukod sa lantad ang mga ito sa panganib ng COVID, posibleng sila rin ang maging carrier nito sa kanilang nilalapitan.

Kapansin-pansin din na karamihan sa mga ito, eh  siyang numero uno na lumalabag sa pinaiiral na health protocol.

Sa kahabaan lamang ng Roxas Boulverad sa Maynila, grabe ang umpukan ng mga ito.

Hindi lang diyan kundi sa iba pang pangunahing lansangan partikular sa Metro Manila.

Madalas imbes na kaawaan at bigyan ng tulong, maiinis ka dahil makikita mong kina­kalakal pa ang maliliit na bata o sanggol.

Hindi masasabing, ang mga ito ay kabilang sa mga naapektuhan ang kabuhayan sa naganap na pandemya.

Masasabing ang mga ito ang siyang nagsamantala o ginagamit ang pandemya para lang manghingi.

Bukod sa panganib sa virus na hindi pa nga natatapos, lantad din ang mga ito sa panganib sa daan lalo na nga’t minsan eh humahabol pa sa mga sasakyan.

Karamihan menor de edad at ang mga may edad, nasa isang sulok at tila naghihintay na lang ng entrega sa mga paslit. Kaya nga hindi malaman kung talagang naapektuhan ba ang mga ito sa pandemya o modus na lamang ito sa lansangan na ginagamit ang pandemya.

Sana ay matutukan ito ng mga awtoridad, LGUs at ng DSWD.

‘Wag namang mangyari kung may madisgrasya eh saka lamang aaksyon.

 Kung talagang nangangailangan ng tulong, ibigay sa mas maayos na paraan at huwag naman sanang mahirati na lamang sa  bigay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with