^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi Red Cross ang ‘mukhang pera’

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi Red Cross ang �mukhang pera�

KUNG mayroon man na dapat pagsabihang “mukhang pera” ito ay mga kurakot na opis­yal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sila ang mga mga mukhang pera dahil sinimot nila ang pondo ng PhilHealth, dahilan para hindi mabayaran nang buo ang pagkakautang sa Philippine Red Cross. Umabot sa P1 bilyon ang utang ng PhilHealth sa Red Cross.

Dahil sa sobrang laki ng utang, ipinasya ng  Red Cross na itigil ang pag-swab test sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs). Kailangang bayaran ng PhilHealth ang pagkaka­utang.

Sinabi ni Red Cross chairman at senator Richard Gordon, dapat bayaran nang buo ang pagkakautang dahil marami rin silang bayarin sa Red Cross gaya ng suweldo ng mga medical technologists. Sinabi pa ni Gordon hindi profit-oriented organization ang Red Cross. Nakadepende lamang umano ang Red Cross sa pumapasok na pera mula sa gobyerno.

Nangako ang Red Cross na magbabayad noong nakaraang Oktubre 26 pero hindi nabayaran nang buo at sa halip, P500 million lamang binayaran, ganunman, pinagpatuloy ng Red Cross ang pag-swab test sa OFWs noong Oktubre 28. Noong nakaraang linggo, nagbayad uli ng karagdagang P200 million ang PhilHealth. 

Sa meeting ni President Duterte noong Huwebes, kasama ang Cabinet officials, nasabi ng Presidente ang katagang “mukhang pera” habang nagrereport si Health Sec. Francisco Duque III ukol sa COVID-19 situation. Hindi naman na-offend si Gordon sa sinabi ng Presidente ganunman hindi raw deserve ang Red Cross na sabihan nang ganung pananalita. “Hindi kami mukhang pera’’ sabi ni Gordon.

Ang mga mukhang pera ay ang mga corrupt na opisyal ng PhilHealth at sila ang dapat batuhin nang maaanghang na salita. Dahil kinurakot ang pera ng PhilHealth, walang maibayad sa pinagkautangan. Hindi talaga nararapat na pagsabihan ang Red Cross na mukhang pera.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with