^

Punto Mo

Ang lalaking ayaw papasukin sa simbahan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG binata pa ang aking ama, sumasama siya sa mga nangongontrata ng pagpipinta ng bahay. Isang panahon iyon na nakakuha sila ng malaking kontrata kung saan ang pipinturahan nila ay malaking simbahan sa isang malayong probinsiya.

Naobserbahan niya, maraming tao ang pumapasok sa simbahan kahit anong oras. Palibhasa ay may renovation na ginagawa, ang simbahan ay nakabukas sa buong maghapon kahit walang misa. Isang araw, may matandang lalaki na pumasok sa simbahan ng katanghaliang tapat. Nagkataon naman na nakatayo ang janitor malapit sa entrance kaya napatingin ito sa matandang papasok sa simbahan.

“Mawalang galang na sa iyo, hindi ka puwedeng pumasok, napakaputik ng iyong tsinelas. Kita mo naman…napakalinis ng sahig ng simbahan. Magkakalat ng putik ang iyong tsinelas. Bumalik ka na lang sa ibang araw kung kailan malinis ang suot mong tsinelas.”

Kumunot ang mukha ng matanda at saka nagsalita.

“Sino ka para ako pagbawalang pumasok ng simbahan. Ako’y galing sa bukid kaya maputik ang aking tsinelas. Kaya lang ako lumuluwas ng bayan ay para makabisita sa simbahan kahit walang misa.

Aba’y mabuti pa sa Malakanyang at kahit ganire lamang ang aking itsura’y winelkam ako ni Presidente Magsaysay! Samantalang ireng lalaking ito’y ayaw akong papasukin sa simbahan dahil lamang sa lintek na putik!”

Hinugot ng matanda ang wallet sa bulsa, sabay hila ng isang larawan na ipinagduldulan sa mukha ng janitor. Ang matanda ang nasa larawan kung saan nakaakbay sa kanya si Presidente Magsaysay.

Narinig pala ng pari ang komosyon kaya’t ito ay lumabas. Inakbayan niya ang matanda sabay sabi habang nakangiti, “Halika, welcome po lahat ng tao dito. Pagpasensiyahan na po ninyo ang aming janitor”.

“Let the Church always be a place of mercy and hope, where everyone is welcomed, loved and forgiven.” — Pope Francis

 

vuukle comment

SIMBAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with