^

Punto Mo

Bulldog, nahalal na mayor sa Kentucky

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG maliit na bayan sa Kentucky ang naghalal ng French bulldog bilang kanilang mayor.

Hinalal ng mga taga-Rabbit Hash, Kentucky ang anim na buwang tuta na si Wilbur bilang alkalde nito lamang nakaraang Huwebes.

Ayon sa amo ni Wilbur na si Amy Noland, umaasa siyang makabawas sa lungkot na dala ng mga negatibong balita sa ukol sa eleksyon at COVID-19 ang pagkakahalal ng kanyang alaga bilang mayor ng kanilang bayan.

Hindi naman daw niya nakikitaan ng stress mula sa kanyang pagkakahalal si Wilbur, na ngayon ay inuulan ng interview at dinudumog saan man siya magpunta sa Rabbit Hash.

Isa nang tradisyon ang paghahalal ng hayop bilang mayor sa Rabbit Hash na nagsimula pa noong 1990s.

 

vuukle comment

FRENCH BULLDOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with