^

Punto Mo

Kabado na ang mga korap!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, naku  dapat nang kabahan ang mga opisyal ng pamahalaan na nadadawit sa korapsyon.

Kung paano dati nang tinukoy at pinangalanan ni Pangulong Digong ang matataas na opisyal ng PNP, na dinawit sa ilegal na droga, ganito rin umano ang gagawin ng Pangulo sa mga masasangkot sa korapsyon sa gobyerno.

Ilalantad  sa publiko ni Pangulong Digong ang mga pangalan ng opisyal na makakasuhan at masususpinde ng Ombudsman dahil sa korapsyon.

Ginawa na niya ito kamakailan,  sa isang pagpupulong matapos niyang bisitahin ang mga naging biktima ng bagyong Rolly.

Aba’y talagang inisa-isa  ng Pangulo ang mga pangalan na sinisiyasat at sinuspinde isama pa ang mga nagbitiw dahil dawit sa korapsyon buhat sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon nga kay Sen. Bong Go , pihadong masusundan pa ito habang tuluy-tuloy  ang kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon.

Kahit pa nga nagbitiw sa pwesto, ‘di pa rin kayo lusot, baka akala ninyo hindi na kayo mananagot!

Bukod sa paglaban sa kriminalidad, nais din ng Pangulong Digong na mawalis ang mga korap sa  pamahalaan sa natitirang halos dalawang taon ng kanyang panunungkulan.

Hindi nga ba’t nagtatag ng  mega task force si Pangulong Digong na tututok sa mga korap sa pamahalaan.

Limang ahensya agad ang natukoy na pagsisimulan ng imbestigasyon.

Ito ay ang DPWH, PhilHealth, Bureau of Customs, BIR at LRA.

Kaya nga ang kasunod nito, mga indibiduwal na dawit sa katiwalian na ang papangalan.

 Kabado na ang mga sangkot, lalu na ang sa matagal nang panahon nangungurakot sa kaban ng bayan.

Sana nga eh hindi na makalusot pa ang mga ito na nagsamantala sa pera ni Juan.

Aantabay tayo kung talagang may mapaparusahan at huwag naman sanang pipiliin lang.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with