^

Punto Mo

Parrot sa Australia iniligtas ang amo sa nasusunog na bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Australia ang nagpapasalamat sa kan­yang alagang parrot matapos nitong sagipin ang kanyang buhay mula sa nasusunog niyang bahay.

Natutulog si Anton Nguyen ng Brisbane, Queensland noong nakaraang Martes  nang marinig niya ang boses ng kanyang alagang parrot na si Eric, na paulit-ulit isinisigaw ang kanyang pangalan.

Pagkagising na pagkagising mula sa ingay na nanggagaling sa parrot ay naamoy kaagad ni Nguyen ang usok na nagmumula mismo sa loob ng kanyang bahay.

Mabilis na binitbit ni Nguyen si Eric at lumabas bahay bago pa tumunog ang mga smoke detectors niya sa kanyang bahay.

Bagama’t nakontrol ng mga bumbero ang apoy ay tuluyan pa rin nitong tinupok ang bahay ni Nguyen, na wala namang tinamong sugat mula sa pangyayari.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with