^

Punto Mo

Public transpo, bantayan sa mga paglabag!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil sa unti –unti na ang pagbabalik sa normal matapos ang magwa-walong buwan na sitwasyon sa pandemya, kapansin-pansin na ang pagdami ng mga pampublikong sasakyan na nagbalik-biyahe.

Sa mga susunod na araw o linggo, pihadong madaragdagan pa ito  dahil sa inaasahang pagbubukas pa ng mga bagong ruta para sa mga pampublikong transportasyon.

Layon nito, na mapagsilbihan ang marami na nating mga kababayan na nagbabalik na sa kanilang mga trabaho.

Dahil naman dito, may ilang eksperto ang nagsasabi na sa pagluluwag na ito, asahan din ang muling pagtaas sa kaso ng COVID na sa pinakahuling ulat ng DOH ay bumaba na ng may 25 percent.

Kaya nga patuloy ang paalala ng mga kinauukulan na mahigpit na ipatupad lalo na sa public transpo ang health protocols.

Pero dapat nakabantay din dito ang pamahalaan, kailangan may nakatutok sa mga pampublikong sasakyan kung nakakasunod nga ang ipinatutupad na mga patakaran at protocol sa pandemya.

Baka puro paalala, pero walang nagbabantay.

Parang daga yan na nagsasaya at gala nang gala kapag walang nakikitang pusa.

Kung mapapansin kasi at talagang oobserbahan lalu na ang mga bimubiyahe nang jeepney eh halos wala nang pinagkaiba sa dati.

Kunwari may harang na plastic, pero may ilan kapiraso lang talaga masabi lang kunwari na may inilagay na barrier.

Manipis na plastic na lang ang pagitan sa bawat pasahero na pinagsisiksikan na rin sa kanilang jeep, eh bakit pa naglagay nito kung talagang dikit –dikit na rin.

Pinagsusuot ng face mask at face shield ang lahat ng pasahero , pero makikita ang driver mismo walang suot na face shield.

Hindi malayong tumaas muli ang bilang ng may COVID kapag ganito ang makikita sa paligid.

Maging ang mga driver alam na   may pandemya, sana naman eh maglinis din ng katawan , karamihan  madungis, naka-short, tsinelas, sando ang suot.

Hindi na masumpunngan ang hygiene sa kanilang katawan  kaya posible ang hawaan.

 Wala nga kasing nakatutok na magbabantay, pana’y paalala dapat meron din tumitingin kung   mga paatakaran.

Likas na sa ilan na kapag walang bantay, lahat na nang paglabag nandyan.

Paano tayo uusad niyan?

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with