^

Punto Mo

Tren na nadiskaril, nailigtas ng buntot ng balyena

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MASUWERTENG walang nasaktan sa Netherlands ma­tapos isang tren doon ang nadiskaril at muntikan nang magtuluy-tuloy sa kalsada na nasa ibaba nito.

Mabuti na lamang at saktong may rebulto ng balyena sa pagbabagsakan ng tren kaya nasalo ito ng buntot ng balyena.

Ayon sa operator ng tren, nadiskaril ito kaya nagtuluy-tuloy ng takbo papunta sa De Akkers Station.

Kung nagkataong wala raw ang rebulto ng balyena sa puwesto nito ay nasa 30 talampakan daw ang babagsakan sana ng tren.

Walang nasaktan sa pangyayari. Mabuti na lang din at ang tanging operator lamang ang sakay ng tren nang nangyari ang aksidente.

Akmang-akma tuloy ang pangalan ng rebulto na “Saved by the Whale’s Tail.” Nasa 20 taon na mula nang ito’y nilikha ng iskultor na si Martin Strujis.

 

vuukle comment

NETHERLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with