^

Punto Mo

Ang taratitat na ina

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ALAS SIYETE na ng gabi at nag-uwian na ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho. Ala-singko ang uwian ng mga empleyado pero naisipan niyang magpalipas muna ng oras upang makaiwas sa trapik at siksikan sa bus.

Bukod dito, gusto naman niyang makawala paminsan-minsan sa kanyang nanay na sobrang taratitat. Basta’t tinanghali siya nang gising ay pinagagalitan siya. Umagang-umaga ay nakaka-bad trip talaga ang kanyang ina. Nagsindi siya ng sigarilyo, hinubad ang sapatos  at ipinatong sa silya. Pakiramdam niya’y relaks na relaks siya.

Nasa ganito siyang ayos nang biglang nag-brown out kasunod ang pagtunog ng fire alarm. “My God, may sunog sa building na ito!” Lalo siyang natakot nang makita niyang puno na ng usok ang pintuan palabas sa lobby. Tumakbo siya patungo sa bintana na mabuti at alam niya kung paano buksan in case of emergency. Inilabas niya ang kanyang ulo  habang iwinagayway niya ang kanyang kamay.

Suwerte namang natamaan siya ng ilaw ng bumbero na naghahanap ng mga posibleng na-trap sa loob ng building. Umalingawngaw ang boses ng bumbero sa loudspeaker na inuutusan siyang lumundag. May safety net daw na sasalo sa kanya. Tumingin siya sa ibaba para tingnan kung nasaan ang safety net pero wala siyang makita kundi makapal na usok. Paano kung hindi siya masalo ng safety net? Nasa ika-5 palapag siya.

Maya-maya ay biglang umalingawngaw ang boses na pamilyar sa kanya—ang nanay niya. Nakasugod agad sa kinaroroonan niya nang mapanood sa telebisyon na nasusunog ang building na pinagtatrabahuhan niya.

“Anak, tumalon ka na! Huwag kang mag-alala, may sasalo sa iyong safety net!”

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng ina ay tumalon na kaagad siya. Iba ang salita ng ina—may pagmamahal  at kahit taratitat ay pagkakatiwalaan talaga. Maliban sa kaunting gasgas, salamat at walang masamang nangyari sa anak. Ang mga nanay talaga, parang battery…ever ready!

 

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with