^

Punto Mo

Imbes mag-aruga, nagmamalupit pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, iniutos na mismo ni Pangulong Digong na maimbestigahan ang pinauwing Philippine Ambassador sa Brazil na  si  Marichu Mauro na nagmaltrato sa kanyang Pinay na kasambahay.

Hindi talaga nagsisinungaling ang ebidensya, dahil makailang ulit sa ibat-ibang pagkakataon kitang-kita kung paano tratuhin at saktan ni Mauro ang kanyang staff.

Ramdam din kung paano walang magawa ang sinasabing kasambahay kundi ang umilag at umiyak na lamang.

Nakapanlulumo ang mga kuha sa CCTV sa loob mismo ng tinutuluyan ng Ambassador.

Parang dito mo mararamdaman ang makapangyarihan at nasa ibaba.

Kahit sino ang makapanood sa naturang mga video, aba’y galit na galit at talagang umuulan ng mura laban kay Mauro.

Kakaiba ang Ambassador na ito, na dapat sanay siya ang mangunang magmalasakit sa kapa-kanan ng mga Pinoy sa mga bansang kanyang nasasakupan, eh mismong siya pa at sa  kanyang bahay masusumpungan ang ganitong kalupitan.

Kakaiba di ba?

Dapat na siya ang maging takbuhan ng mga nangangailangan  niyang kababayan, sa pangyayaring ito literal na siya ang tinatakbuhan sa isinasagawa niyang pagmamalupit.

Matindi na ang mga panawagan na kasuhan si Mauro at panagutin sa kanyang mga pag-aksyon.

Galit na galit tayo kapag inaapi ang ating mga kababayan ng mga dayuhan kung sila ay nasa ibang bansa, pero mas nakakagalit na kung mismong kababayan mo pa ang siyang aapi at mananakit sa yo.

Hindi ito dapat na tantanan, kailangan siyang papanagutin sa kanyang gawa at asal.

Aantabayan natin ang mga gagawing imbestigasyon sa ambassador na ito.

 

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with