^

Punto Mo

Modus online, humahataw, publiko pinag-iingat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa panahon ng community quarantine kung saan matagal na natigil sa kanilang mga bahay ang ating mga kababayan, dito na rin umarangkada ang mga  online transactions at online shop­ping at iba pang kahalintulad nito.

May ilan din naman na dito na rin nagsimula ng kanilang maliit na negosyo o pagkakakitaan lalo na ang nawalan nang hanap­buhay dahil sa pandemya.

Naging positibo ito sa ilan, pero ito rin naman  ang sinamantala ng maraming mga kawatan na dito nagsagawa ng kanilang mga modus.

Sa kabila nga ng nagaganap na pandemya, kinumpirma ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na lumobo ang mga kaso ng online scams at computer-related identity thefts sa bansa, sa panahon ng community quarantine.

Sa kanilang inilabas na datos, nabatid na nasa  869 online scams ang naitala nila mula Marso hanggang Setyembre 2020.

Lumilitaw na nasa 37.2% ang itinaas nito kumpara sa 633 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Hindi lang ‘yan maging ang tinatawag na identify thefts  kung saan ang mga tao ay nagpapang­gap na ibang tao upang makagawa ng krimen, ay tumaas din ng 21.47% o mula 298 ay naging 362.

Ayon nga kay ACG spokesman Maj. Joseph Villaran, sinamantala ng mga kriminal ang COVID pandemic para manloko ng mga mamamayan na naipit sa kanilang mga tahanan dahil sa ipinatutupad na mga community quarantine.

Nakisabay ang mga kawatan sa ating mga kabayan na  lumipat sa paggamit ng online transactions dahil sa pandemya. 

Kung tumaas ang kaso ng online scams, iniulat din ng ACG ma bumaba naman ang cybercrimes sa pangkalahatan, ng 4.26% o mula 3,001 ay naging 2,873.

Ibang klase talaga ang mga kriminal at kawatan, sumasabay talaga sa mga makabagong teknolohiya, hindi nagpapahuli kaya naman ibayong pag-iingat ang kailangan ng publiko para di mabiktima ng ganitong mga uri ng modus online.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with