^

Punto Mo

‘Bandidong elepante’ gumagala sa India!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAGING sa mga hayop man ay mayroong magnanakaw o bandido –gaya ng elepante..

Sa Northern Keonjhar district sa Orissa, India, mayroon tinatawag na “Bandidong Elepante”.

Maraming motorista particular ang mga negosyante ang ayaw magdaan sa kalsadang kinaroroonan ng “Bandidong Elepante’’.

Paano’y ninanakawan sila ng elepante. Malaking perwisyo anila ang elepante dahil sa ginagawa sa kanilang pagnanakaw.

Ayon sa mga motoristang nakaranas ng pagnanakaw, hindi sila pinadadaan ng “Bandidong Elepante’’ kapag hindi nila ibinukas ang bintana ng sasakyan.

Sa sandaling ibukas nila ang bintana, ipapasok ng elepante ang trunk nito at kukunin ang anumang pagkain sa loob sa loob ng sasakyan.

Ang mga biyahero ng gulay ay walang magawa sapagkat nauubos ang kanilang gulay na dadalhin nila sa palengke.

Ang mga hindi nagbubukas ng bintana ay pilit na itutulak ng elepante at ang iba ay nadidisgrasya. Kaya malaking perwisyo sa kanila ang elepante sapagkat apektado ang kanilang kabuhayan.

Ayon sa mga pulis, matanda na ang “Bandidong Elepante’’ at talagang hilig lang magnakaw ng pagkain. Kung maaari lang daw nilang posasan ang elepante ay ginawa na nila. Hindi naman daw nila magawang barilin dahil baka sila pa ang makulong kapag napatay ito.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with