^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilyones na ang kinitasa ‘pastillas’ scam

Pang-masa
EDITORYAL - Bilyones na ang kinitasa �pastillas� scam

NAKAKALULA ang halaga nang umano’y kinita ng mga korap na Immigration officials sa pamamagitan ng “pastillas” scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Aabot na umano sa P40 bilyon ang kickback na nagsimula pa noong 2017. Bukod pa rito ang Visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa. Mula 2017, umabot na sa 3.8 milyon ang mga Chinese na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng mga nasabing scheme. Ito ang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng senate committee on women tungkol sa modus sa Bureau of Immigration.

Sa ilalim ng ‘‘pastillas’’ scheme, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Tinatayang nasa P30 bilyon ang kinita sa ganitong scheme at P11 bilyon hanggang P15 bilyon naman sa VUA system. Kaya ang suma total, P40 bilyon ang kinita ng mga corrupt BI officials. Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng pastillas, ang pera ay pumapasok sa airport saka ibinibigay sa immigration officers habang sa VUA transactions naman ay diretsong napupunta ang suhol na pera sa main office kung saan inaaprubahan ang mga visa.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ng whistle blower na si Allyson Chiong na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Nangyayari umano ang “pastillas”’ modus sa NAIA Terminal 1 at 3.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pampasalubong na “pastillas. Una nang itinuro ng whistleblower si dating BI Ports Operations Division (POD) Chief Red Mariñas na ringleader ng pastillas scheme. Mariin naman itong itinanggi ni Mariñas.

Labingsiyam na BI officials ang sinampahan ng     kaso ng National Bureau of Investigation noong nakaraang buwan pero sabi ng whistleblower wala sa mga ito ang “malalaking isda” na sangkot sa “pastillas” scheme.

Dapat maging agresibo pa ang Senado para makalkal ang nasa likod ng “pastillas’’ modus. Ha­lung­katin pa nang todo para malambat ang “mala-laking isda”. Sayang lang ang oras na ginugugol ng Senado kung makakaalpas ang mga “malalaking isda” na kumita na ng P40 bilyon.

 

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with