^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

MARAMI ang nag-iingat ngayon para hindi mahawahan ng COVID-19. Palaging nagsusuot ng face mask, face shield, laging naghuhugas ng kamay at pinapraktis ang physical distancing. Dapat ganito ring pag-iingat ang gawin ngayong panahon ng tag-ulan at tag-baha na uso ang leptospirosis. Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng mga hayop lalung-lalo na ang ihi ng daga. Delikado ang sakit na ito na maaaring ikamatay kapag hindi naagapan.

Isang linggo nang umuulan sa Metro Manila at ilang probinsiya dulot ng nagdaang bagyo at pinatindi pa ng habagat. Maraming lugar sa Metro Manila ang binabaha. Noong Biyernes, bumaha sa maraming lugar sa Maynila, Quezon City at Pasay. Maraming na-stranded. Napilitang lumusong sa baha ang mga empleyado. Walang pagpipilian kundi itubog ang paa sa baha para makatawid sa hanggang tuhod na baha. May mga bata namang naglalaro at naglulublob sa baha. Kahit marumi, walang pakialam ang mga bata na walang tigil sa pagtatampisaw.

Posibleng ang pinaglulunuyan ng mga bata ay kon-taminado ng ihi ng daga at iba pang hayop. Kapag may sugat sa paa o binti ng bata, doon papasok ang mikrob- yong leptospira na nagdadala ng sakit na leptospirosis.

Ayon sa Department of Health (DOH), may 1,030 kaso ng leptospirosis na naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 9 ng taong kasalukuyan. Mas mataas ito ng 41% kaysa sa kaso noong nakaraang taon. Mayroon nang 93 namatay sa lepto, ayon pa sa DOH.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Kung patuloy ang pag-iingat sa COVID, mas lalong dapat mag-ingat sa leptospirosis. Delikado ang sakit na ito.

 

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with