^

Punto Mo

Konti na lang, new normal na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Unti-unti nang natatanaw ng marami ang pagbabalik o pagtungo sa new normal.

Marami na ang nagbabago sa kasalukuyan lalo na ang pagkakaroon ng mga kaluwagan.

Bagama’t may mga umiiral pang mga quarantine sa ibat-ibang lugar, nandiyan na nakikita na nga marahil na bago matapos ang taon tuluyan nang makakabangon sa bangungot na dulot ng pandemya.

Nagbubukas na sa mataas na porsiyento ang mga negosyo, pinayagan na rin makalabas ng bahay ang may edad 15 hanggang 65 na sa matagal na panahon eh nakulong sa kanilang mga bahay.

Pero kumporme pa rin ito sa LGUs, kasi nga bagamat pinayagan na ito ng IATF pwede itong baliin  ng mga mayor base sa kalagayan o antas ng COVID sa kanilang lugar.

Gaya nga sa Navotas, hindi pa rin pahihintulutan na lumabas ng bahay ang mga menor-de-edad.

Sa mga pampublikong sasakyan, itinataas na ang kapasidad ng mga isasakay para mara-ming mapagsilbihan.

Ang turismo, unti-unti na ring binubuksan  maging ang amusement park pinapayagan na rin mag-operate.

Marahil ito na nga ang hinihintay ng marami, bagama’t may inilalatag pa rin siyempreng guidelines na dapat masunod.

Sa lahat ng ito, marapat pa rin na hindi makalimutan ang pag-iingat at pagsunod sa mga itinakdang patakaran para maiwasan ang hawaan sa virus.

Hindi dapat  na maging kampante dahil sa mga nakikitang kaluwagan.

Hindi kasi ito katunayan na wala na ang panganib ng COVID.

Nandyan pa rin yan, pero malalabanan sa tamang pag-iingat

‘Wag kalimutan at marahil ay dapat maging gawi na ang mga pinatutupad na health protocols habang wala pa ang bakuna, dahil kung hindi baka imbes na umabot na tayo sa new normal eh baka ang kabaligtaran na mas mahigpit na quarantine pa ang maranasan.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with