^

Punto Mo

Online sabong, hulihin! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BAKASYON grande pa rin ang mga Pinoy na mahilig sa sabong kahit pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mag-operate ang lisensiyadong sabungan sa mga lugar na mababa ang bilang ng COVID cases. Mahigpit na pinababantayan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Administration (DCA), ang 1,200 sabungan sa bansa para hindi sila makapag-operate habang hindi pa inilalabas ang guidelines kung paano sila tatakbo sa panahon ng pandemya.

Ipinag-utos din ni Eleazar sa mga police commanders na hulihin ang online sabong at tupada dahil bawal pa ang mga ito sa panahon ng COVID. Nangangamba kasi si Eleazar na ang patuloy na operation ng online sabong at tupada ay magiging daan para tumaas ang bilang ng kaso ng COVID sa Pinas.

Kung sabagay, open secret naman ‘yan mga kosa na itong online sabong at tupada ay nag-ooperate lang kapag may basbas ng kapulisan at mga barangay officials. ‘Ika nga, hindi nabubulabog ang online sabong at tupada dahil meron silang weekly intelihensiya, di ba kosang Dodo Rosario Sir? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Tingnan natin kung may pangil ang kautusan ni Eleazar laban sa online sabong at tupada.

Kahit bawal ang online sabong at tupada mula noong Marso 17 matapos ideklara ang lockdown sa buong bansa dahil sa COVID, iginiit ni Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID Shield, na maraming reports na natanggap sila na patuloy ang operation nito kaya kailangang tuldukan na ng mga kapulisan.

Sa totoo lang, madali lang naman mahagilap ng anti-cyber crime division ng PNP at NBI ang online sabong dahil live streaming at sa social media ang operation nila. Hindi makapagkalap ng taya ang mga operator ng online sabong kapag hindi mag-o-operate ang website nila.

Sinabi ni kosang Jerry Yap na hindi lang ang mga adik sa sabong sa bansa ang ginagawang gatasan ng online sabong kundi maging ang mga kababayan nating OFW o ‘yung naka-base sa abroad. Dahil sa mahigpit na kampanya laban sa online sabong at tupada na iniutos ni Eleazar, makakatipid na ang mga OFW at naka-base sa abroad na Pinoy at malaki na ang maipadala sa pamilya nila sa Pinas.

Para matigil na ang online sabong, ang gagawin na lang ng NBI at PNP ay imonitor ang website at hulihin ito dahil sa patuloy na pambabastos kay President Digong, IATF, GAB chairman Abraham Mitra, NBI, PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno sa saklaw ang operation nila. Kapag hindi pinansin ng NBI at PNP ang patuloy na operation ng online sabong, alam n’yo na ang kasagutan di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi pa ni Eleazar na itong cockfighting operation ay isang mutli-billion industry at nakikinabang dito ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis. Subalit sa online sabong at tupada, BOKYA ang gobyerno ni Digong. Kaya naman pinayagan ang sabong sa MGCQ areas, ay dahil na din sa rekomendation ni FIGBA President Ricardo Palmares Jr. para makatulong silang maiangat ang ekonomiya ng bansa habang humuhupa na ang kaso ng COVID. Abangan!

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with