^

Punto Mo

Apa at ice cream

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAGANDANG alaala noong mga bata pa ang aking mga anak:

Isa-isa kong inilabas sa plastic bag ang mga pinamili kong groceries. Nakita ng aking anak ang dalawang box ng apa na aking binili.

“Bumili ka ng ice cream?”

“Hindi.”

Napatawa ang aking anak. May apa pero wala namang biniling ice cream.

“Para saan ang apa?” muling tanong sa akin.

“Para ‘di ko makalimutan na bibili ako ng ice cream tuwing makikita kong nakadisplay sa cupboard ang dalawang box ng apa.”

Isang araw ay napadaan ako sa grocery, sa section ng mga ice cream. Wala akong balak bumili pero naalala ko ang aking istak na apa sa bahay kaya na-inspired akong bumili.

Noong hindi pa nare-renovate ang bahay namin, bumili ang aking mister ng ilang box na tiles. Gusto niyang palagyan ng tiles ang aming sahig dahil semento lang ito na pinakinis. Kaso hindi natuloy ang plano kaya itinabi muna namin ang biniling tiles.

Minsan naman, noong nagtatrabaho sa Saudi ang aking mister ay may nadaanan siyang “bargain sale” na gamit sa bahay. Nakursunadahan niya ang isang malaking stainless lababo na ubod nang mura. Kahit wala sa plano ang pagpapagawa ng kitchen, binili pa rin iyon ng aking mister at ipinadala sa Pilipinas. Katwiran niya, magkakaroon din siya ng pera balang araw para ipagawa ang aming bahay.

Ang “mantra” naming mag-asawa sa tuwing makikita ang tiles at lababo: Magagamit din kayo!

Tuwing maghuhulog ng barya kaming mag-asawa sa lata ng gatas, tatanungin kami ng dalawa kong anak: Para saan ang maiipon ninyo?

“Pambili ng kotse!” biro ng aking mister.

Tuwing mapapadaan kami sa tapat ng travel agency sa loob ng mall, nababasa namin ang Japan tourism poster na may nakalagay na Welcome to Japan! May litrato ito na isang lugar na nababalot ng snow. Magbubulungan kami ng aking anak:

“Kailan kaya tayo makakarating diyan?” tanong ng anak ko.

“Soon with matching ulan ng snow”ang sagot ko.

Tapos magtatawanan kami kasi mas malamang na biro lang iyon kaysa maging katotohanan. Isang araw nagbunga rin ang pagsisikap at napadaan ang magandang suwerte sa tapat ng aming bahay. Nagamit din sa wakas ang tiles at lababo para makabuo ng isang tirahang mas maayos at malaki kaysa dati. Nagamit din ang barya mula sa lata para sa isang brand new car. Nakara-ting kami ng Japan at naranasang mamasyal sa bundok na balot ng snow. Parang kuwentong apa. Dahil sa istak na apa, nagsikap na makabili ng ice cream. At may isa pa akong natutuhan: Kapag magbibitaw ka ng biro, be sure na iyon ay positive para kung magkatotoo, e, di wow!

“Maybe that’s why life is so precious. No rewind or fast forward…just patience and faith” – Cristina Marrero

 

vuukle comment

ICE CREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with