^

Punto Mo

Hindi ako susuko (9)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PUWEDE niyang i-try ang katas ng duhat o lomboy sa kanyang art work sa halip na water colors o krayola. Puwede rin niyang subukan ang kapeng bigas. Madalas kapag wala silang kapeng barako ay ang kapeng bigas ang ginagawa ng kanyang nanay. Isasangag ang bigas at kapag maitim na ay saka pakukuluan. Masarap ang kapeng bigas. Susubukan niya ito.

Susubukan din niya ang atsuete at ang isang klase ng berry na madalas nilang makitang tumutubo sa tabing sapa at kinakain ng mga ibon. Palagay niya, magandang kunin ang katas sapagkat iba-iba ang kulay ng berry --- berde, pula, violet, dilaw at itim.

Napangiti si Reagan sapagkat sunud-sunod ang agos ng ideya sa kanya. Lalo siyang nagiging malikhain. At ang maganda, kung magiging successful ang kanyang mga naiisip, hindi na siya bibili pa ng materyales. Pupunta lang siya sa kanilang lupa ay mayroon na siyang makukuha, Marami silang tanim na prutas na pawang namumunga.

KINABUKASAN, kina­usap ni Reagan ang mga kapatid na sina Kennedy, Nixon at Clinton.

“Samahan n’yo ako bukas sa bundok,’’ sabi niya.

“Bakit Kuya?’’ tanong ni Kennedy.

“Kukuha tayo ng duhat. Gagamitin ko sa aking pagdudrowing.’’

“Puwede ba yun Kuya?’’ tanong ni Nixon.

“Oo.’’

“Tamang-tama Kuya, sabi ni Tatay marami raw bunga ang duhat. Kinakain na nga ng mga ibon,” sabi ni Kennedy.

‘‘Bukas punta tayo ha?’’

“Oo Kuya.’’

Kinabukasan ng hapon, nagtungo sila sa bundok.

Mangha sila sapagkat napakaraming bunga ng duhat. Saganang-sagana!

‘‘Sige, mamuti na tayo.’’

Inakyat nila ang puno ng duhat.

Napakarami nilang nakuha. Hindi lamang para gamit ni Reagan sa kanyang pagdudrowing kundi pasa sa pagkain.

(Itutuloy)

vuukle comment

COLORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with