^

Punto Mo

Pinaka-pangit na baboy sa mundo, nasa Indonesia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASA kagubatan ng Java, Indonesia ang tinaguriang “world’s ugliest pig”.

Tinawag na Javan warty pigs, endangered o papaubos na ang lahi ng mga ito.

Binansagang pinakapangit na uri ng baboy sa mundo dahil sa taglay nilang mga kulugo sa kanilang  mukha.

Mas mahaba rin ang kanilang mga ulo kung ikukumpara sa mga ibang uri ng baboy ramo.

Simula noong 1980’s, nagsimula nang lumiit ang bilang ng mga Javan warty pigs dahil sa panga­ngaso at sa pagkaubos ng mga gubat na kanilang tinitirhan.

Nagawang makuhanan ang pambihirang paglitaw ng isang Jarvan warty pig sa pamamagitan ng mga nakakubling camera na ikinalat ng mga British at Indonesian researchers.

Bago ang pinakahuli nitong sighting ay marami ang nag-aakalang extinct na ang mga Javan warty pigs kaya buti na lamang at mayroon nang pruweba na may natitira pa sa kanilang uri.

Sa kasalukuyan kasi, hindi protektado Ang Javan warty pigs sa ilalim ng batas ng Indonesia.

 

vuukle comment

PIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with