^

Punto Mo

15-anyos na estudyante sa colorado, sa sementeryo nag-o-online class

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa kaba­galan ng In­ternet con­nection sa ka­nilang bahay, napipilitan ang isang 15-anyos na estudyante sa Colorado na magpunta sa isang sementeryo upang doon mag-online class.

Dinadayo pa ni Carmelita Rael ang lokal na sementeryo ng kanilang lugar sa Colorado, USA upang doon kumonek sa Internet.

Mabilis kasi ang koneksyon sa sementeryo dahil malapit doon ang mga cell phone towers.

Kabaliktaran ito ng sitwasyon sa kanilang bahay, na bukod sa pagiging malayo sa bayan ay napapaligiran pa ng mga burol na nagsisilbing balakid sa pagsagap ng signal para sa Internet connection.

Ayon kay Toby Melster, superintendent ng school district kung saan kabilang ang eskuwelahan ni Rael, malaking problema sa kanilang lugar ang kawalan ng access sa internet para sa mga mag-aaral. Tinataya niyang isa sa bawat limang estudyante ang hirap makakonek sa Internet para sa mga gawaing pang-eskuwela.

Plano ni Melster na makipagtulungan sa mga telecommunication companies upang maparami ang cell towers sa kanilang lugar ngunit tinatayang nasa $1.5 milyon ang kakailanganin upang maisakatuparan ito.

 

vuukle comment

ONLINE CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with