^

Punto Mo

Pagwasak sa lahat ng nakaimbak na droga, tama lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang linggo ang ibinigay na palugit ni Pangulong Digong para wasakin ang lahat ng nakaimbak na shabu na nasamsam sa mga nagdaang operasyon na nasa pangangalaga ng gobyerno.

Kailangan din na mabigyan ang Pangulo ng specimen na katunayang sinira ang mga ito.

 Layon dito ng Pangulo na  maiwasan ma-recycle o makupitan ang mga ito at muling kumalat sa merkado.

Hindi nga ba’t nalagay sa kontrobersiya ang pulisya sa mga nakalipas na panahon dahil sa sinasabing  gawi ng ilang pasaway na pulis na tinaguriang ‘ninja cops’ na sinasabing nagre-recycle ng mga nasasamsam na ilegal na droga sa operasyon.

Naging malaking dagok ito sa kapulisan na gawa ng mga  scalawag at pasaway na pulis.

Dahil nga sa may binigay na deadline si Pangulong Digong, kaya mabilis ang naging pag-aksyon ng PDEA at pamunuan ng PNP ukol dito.

Ang mga nasamsam na droga ay ipiniprisinta bilang ebidensiya sa korte.

Isa raw naman  sa nagiging dahilan  kaya naiimbak sa matagal na panahon ang mga nakukumpiskang ilegal na droga.

Dito naman nagpaalala ang DOJ sa mga prosecutor na gawing prayoridad o bilisan ang pagpapalabas ng resolusyon sa mga hinahawakang kaso ng ilegal na droga.

Dapat nga raw agad na nagsasagawa ng ocular inspection ang isang piskal o kinatawan ng korte para makita ang mga nakumpiskang droga.

Kung maisagawa ito dapat sa loob ng 24 oras pwede nang wasakin   ang mga ito  sa  harap ng akusado at mga napiling saksi lalu na kung higit sa limang kilo pataas ang nakumpiskang  ilegal na droga.

Tama nga lang na hindi na maipon ang mga ito, na nagiging tukso sa mata ng ilang pasaway kaya nga dyan nagyayari ang mga hindi magandang bagay.

Kabilang nga dyan ang pagre-recycle.

O hindi ba, nag-ooperate nga, pero kapag may pasaway, ang nasamsam na babalik uli sa merkado.

Paulit-ulit na  lang at kapag ganyan hindi matatapos ang kampanya ng pamahalaan na malabanan ang ilegal na droga.

Aantabay tayo sa magiging kaganapan kung masusunod ang isang linggong taning ng Pangulo ukol dito .

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with