^

Punto Mo

Hindi ako susuko (1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG gabi, kinausap ng kanilang ama si Reagan. Masinsinan ang kanilang pag-uusap. Nasa balkonahe sila ng kanilang katamtamang bahay. Ang malamig na hangin ay sumasampal sa pisngi ni Reagan. Halos nahuhulaan na ni Reagan kung bakit siya kakausapin ng ama – tungkol sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Mahinahon ang kanyang ama sa pagsasalita.

“Hindi ka muna makakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, Reagan, Kulang ang ani natin, Hindi matutustusan ang balak mong pag-aaral. Kapag nakabawi tayo ngayong taniman na darating, saka ka magpapatuloy ng pag-aaral. Pero ngayon, talagang wala tayong naani. Yung kaunting naani ay pangkain lang natin.’’

Walang kaimik-imik si Reagan. Patuloy ang pagsampal ng malamig na hangin sa pisngi niya.

‘‘Alam kong gustung-gusto mong magkolehiyo pero wala tayong magagawa. Mahirap talaga ang magsasaka. Kung hindi matutuyo ang tanim na palay ay babagyuhin naman. Wala naman tayong alam na magandang pagkakakitaan kundi ang pagbubukid. Dito na talaga tayo sa bukid nakatali. Hindi na siguro tayo makakaalis dito.’’

Tahimik lang si Reagan. Pero sa isip niya, hindi siya mananatili sa bukid. Iba ang magiging propesyon niya.

“Ano Reagan, nauna­waan mo naman siguro ang pinunto ko. Saka ka na lang magkokolehiyo…’’

Tumango si Reagan pero pilit ang pagkakatango.

Tumayo ang ama niya at nagtungo sa loob ng bahay para matulog.

Naiwan si Reagan na nag-iisip. Patuloy ang pagsampal sa kanyang pisngi nang malamig na hangin.

KINABUKASAN, habang nagpapastol ng kalabaw, nag-iisip siya ng paraan kung paano makakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Paano ang gagawin niya?

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with