^

Punto Mo

SEC, BSP, kumilos kayo laban sa mga abusadong ‘to!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI nang nabibiktima nitong mga “predatory lending” sa online. Sa pamamagitan lamang ng online applications nakakapangutang si Juan dela Cruz.

Ang isang indibidwal na kinakapos sa pera, puwedeng makautang mula P3,000, P5,000 hanggang P10,000.

Patibong kasi ng mga putok sa buhong mga mandaragit at nagpapautang online, ang salitang “C.A” o cash advance ng mga empleyadong kinakapos. 

Ito ‘yung mga taong nabubuhay sa sinasabing “paycheck to paycheck” o yung mga “15-30”.

Ang tawag sa kanila “salary at payday loans lenders.” Kapag kinakapos at alanganin pa sa araw ng suweldo, ang kanilang takbuhan – online lending,

Etong mga nagsulputang mga online lending apps, mga manunuksong mandaragit at maninilo sa mobile application at internet.

Sila yung mga abusado sa mga kinakapos. Mapagsamantala’t nabubuhay sa kahirapan ng mga kababayan natin. 

Sa pananaw ng mga putok sa buhong online lenders na ito, sila ‘yung tagapagligtas.

Kaya naman malakas rin ang loob ng mga ‘to na mamahiya kung hindi mo mababayaran impunto ang utang mo. 

Ito ang dapat bantayan, pangasiwaan at manmanan ang aktibidades ng mga putok sa buhong ito. 

Bukod sa sobra-sobrang interes ay ang di-makataong paraan ng kanilang paniningil sa mga hindi nakakabayad na borrower.

Tulad ng nasampulan ng BITAG kamakailan na Peso Pop at iba pang mga inirereklamong mapang-abuso online lenders.

Ibang klase kung manggipit, para bang may lisensiya silang ipahiya ka at sabihang “magpakatay ka nalang” kung ‘di ka makakabayad.

Ang panawagan ko sa Security and Exchange Commission (SEC), ibukas niyo ang mga mata nyo, gising!

Trabaho n’yong bantayan, tiktikan at pangasiwaan ang pamamaraan ng pagpapautang at paniningil nitong mga “online salary at payday lenders.”

Subukan n’yong silipin mga requirements na hinihingi ng mga online lenders tulad ng pagbigay ng listahan ng mga references o contacts ng mga nangungutang.

Kasi ang mga references na kanilang hinihingi, kapag di nakapagbayad yung nangutangnsila ang unang-unang tinatawagan o kinokontak para ipahiya ang nangungutang.

Kapag ‘di ka nakapagbayad, ipapahiya ka nila, ibo-broadcast at ibabalandra nila ang mukha mo sa social media dahil hindi ka nakapagbayad. Hoy, bawal ‘to!

At ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ‘di nakikialam sa paninilo hanggang sa paniningil ng mga lenders. Kesehodang bastos, barubal, may halo nang pagbabanta at pananakot.

This is BS! Magsikilos naman kayo nang matigil na ‘to!

vuukle comment

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with