^

Punto Mo

‘God, gawin mo akong TV’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG guro sa elementarya ang nagpasulat ng essay sa kanyang mga estudyante: “Ano ang gusto ninyong gawin ng Diyos para sa inyo?”

Sa bahay na binasa ni Teacher ang sinulat ng kanyang mga estudyante. May isang essay na nakapagpabagabag sa kanyang kalooban:

Dear God gawin mo po akong telebisyon. Gusto ko pong maging TV na nakatayo sa gitna ng aming salas.

Nag-iisa akong nasa gitna at kapag binuhay ay palilibutan ako ng aking ama, ina at mga kapatid. Ang lahat ng kanilang paningin ay sa akin lang nakatutok. Gusto ko pang maging sentro ng kanilang atensiyon.

Seseryosohin at paniniwalaan ng mga kapatid ko ang lahat ng aking sasabihin. Magtatawa lang sila kung talagang sinasadya kong patawanin sila. Kasi kahit totoo at seryoso ang aking sinasabi sa kanila, hindi nila ako pinaniniwalaan. Ang tingin nila ay bobo ako. Minsan nagtatawanan sila kapag nagbigay ako ng opinyon. Natatawa sila dahil katangahan daw ang pinagsasasabi ko.

Pero kapag nanonood sila ng TV, siniseryoso nila ang bawat naririnig nila at napapanood kahit sa bandang huli ay sasabihing “joke” lang daw iyon. Natatawa sila kahit corny ang mga patawa at hindi nila sinasabihan ang TV na tatanga-tanga kahit pa ang naririnig nilang opinyon ay walang kuwenta.

Gusto kong alagaan nila ako kagaya ng ginagawa nila sa aming TV set: pinupunasan, iniispreyan ng pantanggal ng germs at natataranta sa paghahanap ng repairman kapag nasira.

Gusto kong ako ang unahing pansinin ni Daddy tuwing uuwi siyang pagod mula sa trabaho. TV ang inuuna niyang lapitan at buksan pagdating sa bahay. Nanonood siya ng palabas habang nagpapalit ng damit at naghuhubad ng sapatos.

Gusto kong ako ang pansinin ni Mommy kapag nagtatanggal siya ng pagod mula sa pagtuturo sa school. Ugali na kasi niyang manood ng TV kapag nagpapahinga.

Gusto kong pag-agawan ako ng aking mga kuya at ate. Lagi silang nag-uunahang magbukas ng TV. Kung sino ang mauna, ang palabas na paborito niya ang uunahing panoorin.

At ang pinakahuling dahilan kung bakit gusto kong maging TV ay para lagi ko silang kapiling habang nililibang ko silang lahat.

Ang teacher ay ina ng estudyanteng humiling sa Diyos na nais niyang maging telebisyon. Napaiyak ang ina matapos basahin ang sinulat ng anak.

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with