^

Punto Mo

Namayani ang iringan sa PMA Class ‘86 at talo ang PNP!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI biro na magkaroon ng apat na magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA) na maging hepe ng Philippine National Police. Kaya nang hirangin ni President Digong si PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ng PMA Class ‘86, lumikha ito ng history. Nauna kasing naupo sa trono ng PNP sina Bato dela Rosa, na senador sa ngayon, at sina Oscar Albayalde at Archie Gamboa. Kung nagkaroon sana ng gameplan ang PMA Class ‘86 mula noong maupo si Bato, sa haba ng panunungkulan nila hanggang nitong panahon ni Cascolan, sana nasa magandang kalagayan at imahe na ang PNP, di ba mga kosa? Kaya lang, hindi ang kaginhawahan ng PNP ang namayani sa isipan nila, kundi ang professional jealousy na naging dahilan sa pagkawatak-watak ng kapulisan. Get’s n’yo mga kosa?

Ang puna tuloy ni kosang Felix Vargas, na maituring na beterano ng Camp Crame dahil matagal itong PIO ng CIDG, nagkawindang-windang ang PNP ngayon dahil sa rambulan na leadership style. Araguuyyyy! Hak hak hak! Marami kasing tinamaan sa mga bataan nina Albayalde at Gamboa sa malakihang reshuffle na isinagawa ni Cascolan. Personalan na eh!

Matapos manalo sa 2016 elections, hinirang ni President Digong si Bato at rumagasa kaagad ang kampanya laban sa droga na naging kontrobersiyal pa hanggang sa ngayon. Itinuloy naman nina Albayalde, Gamboa at maging ni Cascolan ang kampanya vs droga subalit may kanya-kanyang estilo ang leadership style nila.

Ang problema lang, napuna ni kosang Felix na paiba-iba ang leadership style ng apat at bawat isa ay may naiibang gustong gawin para may maiwang legacy sa PNP. Ang ibig sabihin ni kosang Felix walang continuity sa ibang programa ni Bato na sinusunod ang tatlo niyang kaklase kaya patuloy na namayayani ang tinatawag na “bata-bata” system sa PNP.

“Sana nga pareng Non, plantsadung-plansado ang showing ng kapulisan dahil biruin mo apat na galing sa Class ‘86 ang naghalinhinang pinamunuan ang most reverred by karamihan sa Kampo Crame. ‘Ika pala’y rambulan ang leadership style ang kinalabasan,” ang komento ni kosang Felix. Araguuyyy! Hak hak hak! Namayani ang iringan sa PMA Class ‘86 at ang talo ay ang PNP organization.

Sa totoo lang, kahit sino ang hepe ng PNP kapag nag-utos ito tiyak susundin ng junior officers basta legal lang ito, di ba mga kosa? Subalit ang ginawa ni Cascolan ay sinibak ang mga bataan nina Albayalde at Gamboa at ini-appoint ang mga kalaro niya sa basketball, anang mga kosa ko. Paano makapagdeliber itong mga bagong upo sa 9-point agenda ni Cascolan sa mahigit dalawang buwan niya sa puwesto?

Kaya goodbye na lang sa pangarap ni PNP chief na habulin ang mga high value target sa droga dahil hindi naman overnight na makahuli ka ng HVT, di ba mga kosa? Eh taon ang pag-develop ng asset at iba pang paraan para mapasok ang sindikato sa droga at kriminalidad bago malansag ito. Araguuyyy! Hak hak hak!

At tama ang puna ni President Digong na ang mga miembro ng drug syndicate ay patuloy na nag-ooperate kahit sa kulungan na sila kaya’t dapat tutukan ito ni Cascolan para kahit papaano ay may maiwang legacy ang PMA Class ‘86 sa PNP organizaton. Mismo! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with