^

Punto Mo

Bamboo plant

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ILANG taon na ang nakararaan, may tanim kaming Chinese bamboo plant sa tapat ng aming bahay. Nang lumago ito at tumaas ay naging pansinin ito ng mga kapitbahay.

Ang isa’y hindi nakatiis at humingi ng halaman dahil may Chinese na nakapagsabi raw sa kanya na masuwerte ito. Binigyan siya ng mister ko. Siguro’y kumalat sa “buong kaharian” ang bertud ng bamboo plant. Pagkatapos noon ay isang barkadahang kapitbahay ang gustong manghingi ulit ng bamboo plants. Nag-tao po sila.

Ang aking katulong lamang noon ang nasa bahay. Lingid sa kaalaman ng mga kapitbahay na kasalukuyang nagta-tao po ay nakasilip siya sa bintana. Habang nagta-tao po ay pinagkukuwentuhan nila ang bamboo plant kaya’t natiyak ng aking katulong na manghihingi ang mga iyon ng halaman. Minukhaan niya ang mga ito at nagpasiyang huwag pansinin ang mga tumatawag. Pagkuwa’y nainip siguro ang mga kapitbahay at nag-alisan sa tapat ng aming bahay.

“Bakit hindi mo nilabas?” tanong ko nang ikuwento sa akin ang nangyari.

“Kasi tsismosa sila. Kahit palibutan nila ng bamboo plants ang kanilang buong bahay ay hindi na sila tatablan ng suwerte.”

Maraming tanim na bamboo plant ang ina ng katulong kaya alam niyang pampasuwerte ito. Kabago-bago pa lang sa aming lugar ng aking katulong ay nahuli niyang pinagtsitsismisan siya. Isang araw habang naglalakad siya sa kalye ay naramdaman niyang siya ang pinag-uusapan. Nahuli niyang inginuso siya ng isang tsismosa. Nagtinginan naman lahat sa kanya ang mga kausap nito, tapos saka naghagikhikan.

Ngayon, tsismosa-free na ang aming kalye. Unfortunately, kung hindi sila sumakabilang barangay, ay sumakabilang buhay na ang mga ito.

vuukle comment

PLANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with