^

Punto Mo

Mga mumunting paalala sa buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Paminsan-minsang panoorin ang pagbukang liwayway.

2. Tandaan ang birthday ng mga kaibigan.

3. Huwag mong babanggitin na ikaw ay “on a diet”.

4. Ugaliing  ikaw ang maunang mag-hello.

5. Laging pakintabin ang sapatos na isusuot.

6. Kapag may batang naglalako ng bawang at sibuyas sa palengke, sa kanila ka bumili sa halip na bumili sa may permanenteng puwesto sa palengke.

7. Iwasan ang sobrang pagbababad sa ilalim ng araw lalo na ang mga kayumangging trying hard sa pagpapaputi. Bukod sa health reason, maraming uubu-sing whitening lotion bago bumalik ang dating kulay. Sayang ang pera.

8. Praise in public, criticize in private.

9. Huwag mag-major ng minor things. Ibig sabihin magpakadalubhasa sa malalaking gawain at huwag sa maliliit na bagay.

10. Kung medyo nakakaluwag, ibigay na lang sa mga basurero ng inyong lugar ang naipong mga plastic bottles o mga sirang plastic wares.

11. Huwag mong hayaang makita ka ng ibang tao na lasing at pasuring-suring na naglalakad sa kalye.

12. Kung mahilig mag-selfie, go ! Pero limitahan ang pagpo-post sa Facebook. Remember, hindi lahat ng tao ay nagagandahan sa iyo.

13. Keep secrets.

14. Laging ipraktis ang pagiging mapagkumbaba, lalo na sa panahong nahuli ka sa traffic violation. Mas mabilis pakiusapan ang mga traffic enforcers kung magalang at mapagkumbabang magsalita.

15. Huwag kalimutan ang anniversary.

16. Iwasang magbigay ng sarcastic remarks. Iyan ang pinagmumulan ng away.

17. Ang ipahiram mo lang ay ang mga librong wala kang paki kahit hindi isauli.

18. Magpautang ka kung nakahanda ang kalooban mo na hindi ka bayaran.

19. Laging sabihan ang mga anak ng mga bagay na ikagagalak ng kanilang kalooban. May isang batang laging “minamarder” ng kanyang ina noong bata pa. Lagi na lang ipinamumukha sa kanya na pahirap siya, na ito’y tamad at walang pakinabang. Lumaki ang bata na may lihim na galit sa ina.

20. Irespeto ang “privacy” ng mga anak. Kung ayaw kang i-add sa Facebook, irespeto mo ‘ yun.

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with