^

Punto Mo

EDITORYAL - Pinagkaguluhan ang ‘white sand beach’

Pang-masa
EDITORYAL - Pinagkaguluhan ang �white sand beach�

BINUKSAN pansamantala sa publiko ang Manila Bay white sand beach noong nakaraang Sabado. Kabilang sa mga nagtungo sa beach sina Environment Sec. Roy Cimatu, Manila mayor Isko Moreno at iba pang opisyales ng DENR. Nasiyahan sila sa magandang beach na nilatagan ng dinurog na dolomite na galing pa sa Cebu. Ang proyekto ay bahagi ng beautification ng Manila Bay at pinondohan ng P389 milyon.

Pero kung nasiyahan sina Cimatu at Isko, mas lalong nasiyahan ang mga taong dumagsa sa white sand beach. Unang pagkakataon na nakakita sila ng puting buhangin. Para na rin daw silang nakarating sa Boracay.

Nagdikit-dikit ang mga tao sa puting beach. Wala nang agwat. May mga grupo na nag-picture-picture o selfie. Nawala na ang physical distancing. Nasira ang health protocol na ipinatutupad.

Ganundin ang nangyari kinabukasan (Linggo). Du-magsa muli ang mga tao at nasira muli ang physical distancing. Binuksan ang white sand beach mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. Sa dami ng mga dumagsang tao, nakapila na ang iba sa Roxas Blvd. Lalo nang nasira ang ipinatutupad na 1 metrong agwat ng mga tao para hindi magkahawahan ng virus.

Hindi pinalampas ni Philippine National Police’s (PNP) Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa kontrobersiyal na beach na isang paglabag sa health protocol. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkumpol-kumpol ng mga tao.

Agad niyang ipinag-utos na alisin sa puwesto ang Ermita police station dahil hindi nito nagawang ipatupad ang physical distancing sa mga taong bumisita sa beach. Sabi ni Eleazar, hindi naipasunod ni Lt. Col. Ariel Caramoan ang strict security at health safety measures. Hindi umano nagkaroon ng plano at regular na monitoring si Caramoan sa sitwasyon. Naiwasan daw sana ang pagkumpul-kumpol kung nagkaroon ng maayos na plano sa lugar. Ipinalit kay Caramoan si Lt. Col. Alex Daniel bilang officer-in-charge. Muli namang isinara ang white sand beach sa publiko.

Nararapat lang na managot ang police official na nakakasakop sa lugar dahil hindi niya naipatupad ang health protocol. Hindi biro ang dumagsang tao sa kontrobersiyal na beach at maaaring nagkahawahan doon sapagkat talaga namang dikit-dikit. Habang ang marami ay nag-iingat at mahigpit na pinatutupad ang physical distancing, may mga opisyal naman na hindi ginagawa ang tungkulin.

Isang malaking aral ang pagsibak sa police official at sana hindi na maulit ang ganitong pagkakamali lalo pa nga at sa panahon ng pandemya.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with