^

Punto Mo

EDITORYAL - Puwede nang mag-abroad ang healthcare workers

Pang-masa
EDITORYAL - Puwede nang mag-abroad ang healthcare workers

MULA nang ipatupad ang lockdown noong Marso dahil sa pandemya, maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang naapektuhan. Hindi sila maka­alis sapagkat ipinagbawal ng pamahalaan. Kahit may mga kontrata na sa foreign employer hindi sila pinayagan. Isa pa kanselado lahat ang mga flight. Maraming inabutan ng pagkapaso ng working visa. Naging problema rin sa bansang pinagtatrabahuhan sapagkat nagkaroon ng paghihigpit dahil sa pandemic.

Kabilang sa mga naapektuhan ang mga healthcare workers gaya ng nurses, x-ray technicians, me­dical technologists at iba pa. Marami sa kanila ay may mga kontrata nang pinirmahan, may working visa, plane ticket at lilipad na lang sana noong Abril pero dahil inabutan ng lockdown, hindi na nakaalis. At lalo pang nalagay sa alanganin nang ipagbawal na mismo ng pamahalaan ang pag-alis ng lahat ng health workers­. Nagkaroon ng deployment ban. Walang makaalis na nurses at iba pang mga nagtatrabaho sa ospital. Ang ban ay ipinatupad sa pamamagitan ng Phi­lippine Overseas Employment Administration (POEA)

Kahapon, inalis na ang deployment ban sa healh workers. Lahat nang may kumpletong dokumento na may petsang Ágosto 31 ay maaari nang makaalis patungong ibang bansa. Si President Duterte mismo ang nag-apruba makaraang irekomenda ng POEA. Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nakinig daw ang Presidente sa hinaing ng mga nurses. Kaya ang may mga papeles at kumpletong documentation pina­yagan na ng Presidente na makaalis.

Mabuti naman at pinayagan na ang mga health workers na makaalis para makapagtrabaho. Hindi na sila magiging pasanin sa bansa. Mababawasan na ang walang trabaho na sa kasalukuyan ay lumobo na dahil sa problema ng pandemya. Maraming nagsarang kompanya at establisimiento.

Sa ibang bansa, may mas pagkakataon ang health workers na kumita nang malaki hindi katulad dito sa bansa na masyadong kawawa ang kanilang kalagayan.

Kung sana ay mabuti ang pasahod at benepisyo, maaaring hindi na maghangad na lumayo ang mga nurses, doctors, medical technologists at iba pa. Hayaan silang maghanap para sa magandang kinabukasan.

 

vuukle comment

HEALTHCARE WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with