^

Punto Mo

Ang player na laging ‘bangko’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang batang pandak at payatot na napakahilig magbasketbol. Wala siyang ginawa kundi magpraktis nang magpraktis. Nang nasa college ay suwerteng napasama siya sa basketball team ng kanilang school sa kabila ng kakulangan niya sa height at pagiging payatot. Maliksi kasi siya at masipag magpraktis kaya’t tinanggap na rin ng coach.

Ang ama ng bata ang halos maglulundag sa tuwa nang  ibalita ng anak na opisyal nang player ng kanilang kolehiyo ang anak. Tuwing may game ang anak ay laging present ang ama. ‘Yung pinakamahal pang tiket ang binibili nito para laging nasa pinakaunang row siya. Makikita agad siya ng anak na nagchi-cheer para sa team nito.

Palibhasa’y kulang sa height, walang magawa ang liksi ng anak sa basketball court. Talo pa rin siya ng mga players na matatangkad at kagaya niyang maliksing kumilos. Ito ang dahilan kung bakit bihira siyang paglaruin ni Coach. Mas madalas niyang nahihipo ang bangko kaysa bola. Magkaganoon pa man ay hindi nababawasan ang kanyang enthusiasm. Ang ideya na player siya ng basketball team ng kanilang kolehiyo ay malaki nang kasiyahan para sa kanyang ama.

Isang araw, nagpaalam siya sa coach na hindi muna makakarating sa ilan nitong game dahil namatay ang kanyang ama. Habang nakaburol ang ama ay may kung anong puwersa sa anak na pumunta sa Araneta Colesium kung saan kasalukuyang nagaganap ang game ng kanilang team laban sa isang kolehiyo.

Pagkatapos magpalit ng pangbasketbol, nilapitan niya si Coach para pakiusapang paglaruin siya sa game na iyon. Nagkataong ang isang player ay wala sa kondisyon dahil nagtatae, napilitan si Coach na pagbigyan ang pakiusap.

Halos hindi kumukurap ang mata ng Coach sa milagrong ipinakita ng kanyang player na pandak. Hanep, para itong may pakpak kung lumundag habang ibinubuslo ang bola sa basket. Para bang hinipan ito ng magaling na hangin at bigla na lang gumaling sa paglalaro. Masuwerte naman at nanalo ang kanilang team. Nang kamayan ng coach ang player na pandak ay isang simpleng BAKIT KA GUMALING NANG GANYAN? ang namutawi sa kanyang bibig.

Ngumiti ngunit may bakas ng lungkot ang pandak na player: “Bulag po ang tatay ko kaya kahit lagi siyang nanonood ay hindi niya nalalaman na mas madalas akong hindi nakakapaglaro. Nakiusap akong paglaruin mo ngayon dahil malalaman na niya ang katotohanan ngayong nasa kabilang buhay na siya. Sabi kasi ng aking lola, ang mga bulag ay nakakakita sa kabilang buhay. At least for the first time, makita man lang niya ako na totoong naglalaro.” 

 

vuukle comment

BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with