^

Punto Mo

Ayaw umalis ang may-ari ng lupang nabili na sa kanya

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May binili po akong lupa sa probinsiya noong 2017. Nagkapirmahan po agad kami ng seller ng deed of absolute sale at agad ko rin itong pinano­taryo. Dahil nasa ibang bansa ako nitong mga nakaraang taon, hindi ko kaagad naasi­kaso ang lupa at ngayon ko lang nalaman na patuloy pa ring inookupa ng dating may-ari ang lupang binili ko na sa kanya. Ngayong pinaaalis ko na siya, itinanggi niya ang aming­ naging bentahan. Ano ang dapat kong gawin?— Romy 

Dear Romy,

Kailangan mo munang magpadala ng demand letter na nagpapaalis sa umookupa sa lupa mo. Kung sakaling ayaw pa ring umalis ang pinadalhan mo ng sulat, maari ka nang magsampa ng civil case – mamimili ka kung specific performance kung saan hinihiling mo sa korte na utusan nang i-deliver sa iyo ang lupa alinsunod sa deed of absolute sale, o ejectment kung saan hinihiling mo naman sa korte na paalisin na ang umookupa sa lupang pag-aari mo.

Dahil wala pa namang isang taon nang matuklasan mo ang hindi makatwirang pag-okupa sa lupa mo, maari ka pang magsampa ng ejectment suit laban sa nag-ookupa sa lupa. Dahil isang summary proceeding ay mas mabilis din ang magiging pagdinig sa kaso. Malakas din ang ebidensya mo partikular na ang notaryadong deed of sale na pinirmahan n’yo ng seller.

Ayon kasi sa Korte Suprema sa kaso ng Lozano vs Fernandez­ (GR 212979, 18 February 2019), may “presumption of regularity” o pagpapalagay na nasa ayos lahat ang isang doku­mento kung ito ay notaryado at maari lamang mabaliktad ang presumption o palagay na ito kung makakapagpakita ang kumu­kuwestiyon dito ng klaro at kapani-paniwalang ebidensiya. Kung tanging pagtanggi lamang sa naging bentahan ninyo ang magiging depensa ng pinagbilhan mo ay malamang na ikaw ang kakatigan ng korte kung sakaling magsampa ka ng kaso.

 

vuukle comment

LAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with