^

Punto Mo

Libu-libong pato, pinakawalan sa mga palayan sa Thailand upang labanan ang mga peste

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KITA sa kuhang video ng isang drone ang pagpapakawala sa may 10,000 pato sa isang palayan sa Thailand upang labanan ang mga pesteng nana-nalasa roon.

Makikita sa video na ni-record sa Nakhon Province ang pagdagsa ng mga pato sa mga tubigang palayan doon. Pinakawalan ang mga ito upang kainin ang mga insekto at suso na naninira ng mga pananim.

Limang buwang hahayaan ang mga pato na gumala sa mga palayan at pagkatapos ay titipunin muli ang mga ito para makuha naman ang kanilang mga itlog.

Ayon kay Apiwat Chalermkin, parehong kapaki-pakinabang sa mga magsasaka at sa mga katulad niyang duck breeder ang ginawang pagpapakawala sa mga pato.

Makakatipid kasi ang mga magsasaka na hindi na kailangang gumastos para sa mga insecticide na nagtataglay ng mga nakakalasong kemikal samantalang ang mga duck breeder na katulad niya ay makakatipid naman sa pagpapakain sa kanilang mga alaga.

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with