^

Punto Mo

May milagro sa uha ng sanggol

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG Setyembre 2014, isinugod sa isang ospital sa North Carolina si Shelly Cawley dahil pumutok na ang kanyang panubigan. Pagkatapos manganak sa pamamagitan ng C-section, siya ay na-comatose. Hindi na siya binalikan ng malay matapos pumutok ang ugat at namuo ang dugo sa kanyang binti.

Ang isinilang niya ay isang malusog na babaing sanggol. Halos mabaliw ang mister pagkaraang malaman ang nangyari sa asawa. Biglang naisip ng mga nurses na hubaran nila ang baby at ipatong ito sa dibdib ni Shelly. Gusto nilang magkaroon ng skin to skin contact ang mag-ina. Nananalig sila na ito ang magpapagising kay Shelly. Pinaglapit nila ang dalawa para maamoy ng ina  ang kanyang anak.

Tahimik na natulog ang baby sa ibabaw ng dibdib ng kanyang ina pero ito ay biglang nagi-sing at umuha  nang napakalakas. Ang uha ng bagong silang na sanggol ay umabot sa labas ng hospital room. Sa isang iglap ay nagmulat ang mata ni Shelly. Palakpakan ang lahat ng doktor at mga nurses. Milagro! Nagkamalay ang ina.

Sa interview ng media kay Shelly, nagitla raw siya mula sa pagkakahimbing dahil parang may uha ng sanggol na nagparindi sa kanyang pandinig. Ang  kaagad niyang naisip ay baka raw may nangyaring masama sa kanyang bagong silang na sanggol. Ang iyak daw kasi ay para itong nasasaktan. Kaya bumalikwas kaagad siya para hanapin ang kanyang anak.

“God could not be everywhere, and therefore He made mothers.”—Rudyard Kipling

vuukle comment

BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with