^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (173)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMIYAK si Ziarah habang yakap ni Jonas. Parang bata na ngumuyngoy. Hiyang-hiya talaga ito sa nang­yari.

‘‘Huwag ka nang umiyak Ziarah.’’

‘‘Nahihiya talaga ako, Kuya.’’

‘‘Kalimutan mo na ‘yun. Wala kang dapat ikahiya o anumang dapat ikatakot o ipag-alala. Basta ang mahalaga ay nagmamahalan tayo. Tayo ang magiging mag-asawa at magiging maligaya tayo. Magbubuo tayo ng pamilya sa bahay na ito. Ilan ang gusto mong anak?’’

Nagtawa si Ziarah habang nakayakap pa kay Jonas.

“Anak agad? Hindi mo ba ako pakakasalan muna e nakita mo na ang katawan ko at napag­hahalikan mo na ako.’’

Si Jonas naman ang nagtawa.

“Oo nga ano? Masyado akong advance mag-isip. Siyempre pakakasal tayo. Pero magtatapos ka muna sa pag-aaral at ipapasok kita sa kompanya namin.’’

Tumigil na sa pagnguy­ngoy si Ziarah.

Maya-maya, kumalas ito sa pagkakayakap ni Jonas.

‘‘Talaga bang mahal mo ako Kuya?’’

‘‘Oo. Love na love.’’

“Ikaw din noon pa kita love na love pero hindi mo ako pansin dahil kay…’’

‘‘Kay Kat?’’

Tumango si Ziarah.

“Nagkamali ako sa babaing ‘yun. Isang bangungot ang pakikipagrelasyon ko sa kanya. Nagsisisi ako kung bakit nagpakagago sa babaing iyon. Naging tanga rin ako. Tiniis ko ang panloloko niya. Walanghiya ang babaing iyon…’’

“Alam mo Kuya, awang-awa ako sa iyo nang bugbu­gin ka ng lalaki ni Kat. Napakasama nang ginawa sa iyo. Kaya alam mo Kuya, kung makikita ko lamang si Kat baka masapak ko ‘yun. Gusto kitang iganti. Gusto kong ipalasap sa kanya ang sakit.’’

Napangiti nang buong tamis si Jonas.

At muling niyakap si Ziarah­.

“Mahal na mahal kita Ziarah.’’

“Ako man Kuya. Forever kitang mamahalin.’’

Minsan pa silang naghalikan.

Mas mainit, mas lalong puno ng pagmamahal.

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with