^

Punto Mo

Nangangamba na sa 2022 kaya change tactics muna!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG mga kritiko ng administrasyon, talagang walang pinalalampas. Lahat pinupuna, binubusisi, binibigyan nila ng diin na laging may mali.

Ngayon, mas nagiging aktibo, araw-araw, linggu-linggo, buwan-buwan. Tila namumuhunan nang mabuo ang persepsyon at impresyon ng taumbayan – panahon na, palitan na!

Oo nga naman, isa’t kalahating taon na lang bago ang national election. Kailangan yata ay grand slam ang kanilang partido sa 2022.

Masakit nga naman ‘yung ma-otso diretso sa inidoro noong 2019 kaya ngayong darating na 2022, change tactics na.

Kaya ang bagong estratehiya, hala bira! Ibuo sa isipan ng taumbayan ang impresyon at persepsyon na walang katiyakan sa kasalukuyang administrasyon.

Samantalahin ang pagkabuwisit ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahinaan, kapalpakan at kakulangan ng pamahalaan.

Kaya ang paborito nilang isyu na sakyan ngayon, mga kaganapan sa gitna ng pandaigdigang pandemya – ang COVID-19.

Pagkukumpara ng ating budget sa pandemya sa ibang bansa,  kung papaano dapat gastahin nang tama.

Ang kanilang sigaw, gutom na ang taumbayan. Saka na muna ang imprastruktura, sikmura muna. Binibigyang-diin na patibayin ang mga subsidiya dahil marami pa rin ang nagugutom.

Kinukuwestiyon ang ahensiya ng kalusugan, bakit kakaunti lamang ang budget. At marami pang iba, kanya-kanya silang kanta pero iisa ang tono nilang lahat – banat!

Para sa mga kritiko, wala nang tama , laging mali ang pinaggagawa ng mga nakaupo. Dapat kapag sila ang nagsalita, sila ang tama.

Halatado naman na masyado ang pagka-TL nitong mga ‘to – as in TULO – LAWAY!

 

vuukle comment

2022

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with