^

Punto Mo

Lalaki sa Minnesota, may 3 ½ talampakang mohawk

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWANG mailagay ng isang lalaki sa Minnesota, USA ang kanyang pangalan sa Guinness Book of World Records matapos niyang patubuin ang kanyang buhok at patayuin ito sa style na mohawk sa taas na 42 pulgada o tatlo’t kalahating talampakan.

Unang sinubukan ni Joseph Grisamore na mapasali ang kanyang pangalan niya sa Guinness noon pang 2007 ngunit nadiskuwalipika siya dahil tumanggi siyang ahitin ang tabi ng kanyang ulo na requirement para sa mohawk na hairstyle.

Labintatlong taon pa pala ang lilipas bago niya makamit ang kanyang pinapangarap at opisyal na kilalanin ng Guinness bilang isang world record holder.

Hindi naging madali ang proseso para kay Grisamore, na kinailangang magsimula muli sa pagpapatubo ng buhok pitong taon na ang nakararaan.

Ayon kay Grisamore, nakatirintas ang kanyang buhok kapag hindi ito nakatayo at naka-mohawk na style.

 

vuukle comment

USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with