^

Punto Mo

Walisin na ang mga barumbado sa lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila ng nagaganap na pandemic kung saan limitado pa rin ang pinabibiyahe na mga pampublikong sasakyan, pero ang nakapagtataka patuloy na tumataas ang mga aksidente sa lansangan.

Naaalarma na ang mga kinauukulan kaya nagkaisa ang iba’t ibang ahensya para palakasin ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa trapiko at matutukan ang mga karaniwang nagiging sanhi ng mga aksidente lalo na nga sa mga lansangan sa Metro Manila.

Alam ba ninyong mula lamang noong Enero hanggang buwan ng Agosto ng 2020, naka­pagtala ng kabuuang bilang na 31,811 na aksidente sa kalsada sa Metro Manila.

Sa mga aksidenteng ito, nasa 136 ang nasawi, 6,614 iniulat na nasugatan at 25,061 ang da­mages to property.

Alarming ang ganitong mga insidente kaya nga nagkapit-bisig na MMDA, PNP-HPG, DOTr, LTFRB at LTO para nga sa mas lalong mahihigpit na patakaran at regulasyon na ipapatupad lalo na sa NCR.

Kabilang nga rito ang pagpapaigting ng operasyon sa anti-drunk at anti-distracted driving­,  pagsuspinde o pagbawi o pagkansela sa lisensya ng mga pasaway na driver na sangkot sa sangkaterbang traffic violations pero nananatiling nakapagmamaneho sa mga lansangan.

Bukod pa rito ang mas mahigpit na parusa sa mga driver na sangkot sa mga aksidente na may pinsala sa mga pag-aari ng gobyerno o sampahan ng kaso; maglagay ng strategic checkpoints sa mga oras ng curfew. Paiigtingin na rin ang pagsasagawa  ng random breath analyser tests sa mga driver; at gawing  mas aktibo ang pakikipagdayalogo.

Talagang maraming pasaway, na sa kabila nga ng sangkaterba nang paglabag patuloy na nakapagmamaneho.Patuloy pa rin sa pagiging pasaway at hindi mapigilan.

Ang ganito ang talagang dapat na matututukan, ang mga ito ang kailangang mawalis na sa lansangan. Ito ang mga naglalagay sa panganib sa kanilang mga pasahero.

Ayon nga kay  MMDA General Manager Jojo Garcia 

napapanahon na para mapalakas ang road safety at kasabay nito ang mahigpit na pagdisiplina sa mga pasaway na motorista at drivers.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with