^

Punto Mo

Papel ng media sa paghanap ng hustisya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong araw ang ika-7 taong anibersaryo ng pagkamatay ng negosyanteng si  Antonio Antonio ng Parañaque City.

Si Antonio ay pinaslang ng kanyang sariling anak noong Sept. 11, 2013.

Tandang-tanda ko ang istoryang ito na sinubaybayan ng inyong Responde at ng ating programa sa TV na SOCO.

Hindi natin nilubayan ang development sa kaso na naging daan kaya lumiit ang mundo ng suspect na si Nelson Antonio na nagtago ng halos limang taon at nahuli sa Abu Dhabi noong Pebrero 6, 2018.

Sa pamamagitan ng ating pagsasapubliko sa pangyayari, isama pa ang ating wanted portion sa naging programa natin sa telebisyon natunton ang suspect na si Nelson.

Pitong taon na ang nakalipas nang pagbabarilin ni Nelson ang sariling ama sa BF Homes Parañaque.

Ang motibo sa krimen ang pagtatanggal dito ng mana ng kanyang ama dahil sa natuklasang pagwawaldas nito sa  pera ng kompanya ng pamilya.

Matapos ang krimen ay tuluyan nang nagtago si Nelson hanggang matunton sa Abu Dhabi. 

Pero ika nga hindi habang panahon ay makapagtatago sa salang ginawa at dahil sa paulit -ulit nating pagpapakita sa larawan nito sa talaan ng wanted person, isang Pinoy sa Abu Dhabi ang nakakilala dito kaya agad na nagreport sa Phil. Embassy.

Pebrero 6, 2018 nang maiuwi si Nelson sa Pinas para harapin ang kasong parricide.   

Hindi lang sa paghahatid ng mga impormasyon ang layon ng media, kasama na rin dyan ang serbisyong publiko at ang pagtulong para sa mga ikalulutas ng kaso at paghanap ng hustisya.

vuukle comment

MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with