^

Punto Mo

Mga kailangan kapag magsasampa ng kaso upang masingil ang maliliit na halaga

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Balak ko pong magsampa ng kaso upang masingil ang P50,000 na utang sa akin. May nakapag­sabi sa akin na sa small claims court ko raw ito kailangang isampa kung saan hindi maaring makisali ang mga abogado. Gusto ko po sanang magtanong kung ano ang mga kailangan kong ihanda kapag magsasampa na ng kaso.—Diane

Dear Diane,

Una, kailangan mong tipunin ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa sinisingil mong halaga. Halimbawa ng mga ito ay ang kontrata n’yo ng inihahahabla mo kung mayroon man, mga promissory note mula sa inihahabla mo, sinumpaang salaysay ng mga tetestigo para sa iyo, mga tseke, resibo, at iba pang katibayan ng pagkakautang sa iyo.

Kailangan mo ring ihanda ang huling demand letter na ipinadala mo at mga patunay ng pagpapadala nito sa inihahabla mo at ang pagkakatanggap niya nito.

Hindi mo rin dapat kalimutan ang certificate mula sa iyong barangay na nagbibigay ng pahintulot sa iyong magsampa ng kaso. Ito ay kailangan lamang kung nakatira kayo ng inihahabla mo sa iisa o magkatabing barangay at dumaan kayong dalawa sa tinatawag na barangay conciliation.

Kailangan mo ring ihanda ang filing fee na iyong ibabayad sa korte pagkasampa mo ng demanda.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with