^

Punto Mo

Rep. Yap: ‘Babantayan ko ang kaban ng bayan!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAKING hamon kay ACT-CIS Partylist 1st Representative Eric Yap ang pagiging Appropriation Committee Chairman ng ating kongreso. Aniya, hindi natatapos ang kanyang responsibilidad sa pagbibigay o pag-a-allocate ng budget lamang. Sabi pa niya nang makapanayam ko sa aking programang BITAG Live noong isang araw “Babantayan ko ang kaban ng bayan!”

Maganda ang binuksang plano ng Kongreso hinggil sa nalalapit na budget hearing. Gagamitin ang “social media” para makalahok ang publiko sa tamang paglalaan nitong P4.5 trillion national budget.

Matatandaan na noong panahon ni dating Pres. Noynoy Aquino, mayroong tinatawag na Bottoms Up Budgeting (BUB). Ibig sabihin, mula ibaba paitaas ang monitoring ng budget. Bawat departamento, may nakalatag na Program Activities and Projects (PAPS) para makita ng mga “watchdog” kung saan nakalaan ang pondo.

Napakaganda ng konsepto ng programang ito. ‘Yun nga lang, ginamit sa eleksiyon para pabanguhin ang dating pamunuan ng Department of Interior and Local Government.

Kaya itong panghihikayat ng Kongreso na sumali ang publiko sa paglalaan ng pondo sa pamamagitan ng social media, nakaantabay ang BITAG para sa mas detalyadong mechanics.

Paliwanag ni Yap, iniimbitahan ng Kongreso ang lahat ng sektor tulad ng non-government offices (NGO) na maging involved at aktibo sa pagdinig ng budget hearing. Anumang suhestiyon umano ng bawat sektor ay pakikinggan ng Kongreso. 

Aniya, ito’y isang paraan upang pulsuhan ang top 5 na pangangailangan ng taumbayan na paglaanan ng budget. Dito rin malalaman kung may pagkukulang at dapat ibahin na prayoridad sa pagtatalaga ng budget.

Simula ngayong araw, bakbakan na ng pagdinig sa national budget. Aabutin umano ng isa hanggang dalawang buwan ang isasagawang budget hearing.

Dagdag ni Yap sa BITAG, huwag mag-alala ang taumbayan. Ngayong siya ang Appropriate Committee Chairman, sisiguraduhin niyang lahat nang perang gagastusin, lahat nang buwis na binabayad ng bawat Pilipino ay magagamit ng tama.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with