^

Punto Mo

Marching orders sa bagong PNP chief

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May marching orders ang Pangulong Digong sa bagong upong PNP chief na si Gen. Camilo Cascolan.

Ito ay ang itaguyod ang Konstitusyon, rule of law, bukod pa sa dapat na i-professsionalize nito ang hanay ng pulisya.

Kabilang pa rin sa pinatututukan ng Pangulo ay ang laban sa ilegal na droga.

Ngayon ang mga tinaguriang ‘big fish’ o ang bigtime drug personalities ang target ni Gen. Cascolan.

Hindi rin umano nito kukunsintihin at kailangang kastiguhin ang mga pulis na lalabag sa quarantine protocol.

Malaking hamon ito sa bagong upong PNP chief lalo na nga’t sa nakalipas na mga buwan ay nasangkot ang pulisya sa ibat-ibang kontrobersiya.

Gayunman, malaki ang ating paniwala na kayang-kaya itong matugunan ni Gen. Cascolan.

May  sapat itong kakayahan para pamunuan ang  PNP.

Sa kabila ng maiksing panahon dahil nga nakatakda na rin itong magretiro sa darating na Nobyembre nananalig tayo na maisasakatuparan nito anuman ang pinaaayos sa kanya ni Pangulong Digong.

Sa ngalan po ng Responde binabati natin ang bagong upong PNP chief. Gen. Cascolan, sir.

Good luck po.

 

vuukle comment

CAMILO CASCOLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with