^

Punto Mo

Krimen at lockdown

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa limang buwan na rin na sumasailalim sa iba’t ibang quarantine status  ang iba’t ibang panig ng bansa dulot ng COVID pandemic.

Marami sa ating mga kababayan ang talagang naapek­tuhan ang hanapbuhay at kabuhayan.

Hindi lang mga ordinaryong manggagawa, kundi maging ang malalaking negosyo, isama pa ang pagsadsad ng ekono­miya dahil sa mga lockdown.

Pero kung may isang pangyayari na nakaganda sa mga ipinatupad na lockdown, eto ay ang pagbaba ng krimen sa buong bansa.

Inihayag nga ng pamunuan ng PNP na bumaba nang hanggang 55 percent ang crime rate kumpara sa katulad na period noong nagdaang taon.

Marso 17 nang magsimulang ipatupad sa bansa ang lockdown na hanggang sa may mga qua­ratine status pa rin na ipinatutupad bagama’t may kaluwagan na.

Walang malalaking krimen na sinasabing naitala at stable ang peace and order sa buong bansa dahil sa ipinatupad na nationwide quarantine.

Ito naman marahil ang dapat ding maagapan dahil sa unti-unti nang nagkakaroon ng kaluwagan sa quarantine status, baka naghahanda na rin ang mga kriminal at kawatan sa kani­lang mga pagsalakay.

Lalo’t matagal silang nanahimik, ngayon baka naghahanda na sa kanilang pagbabalik.

Hindi dapat na maging kampante dito ang PNP at ngayon pa lamang marapat na meron nang ipapatupad na mga kahandaan para ito labanan.

Mas masaklap na meron na ngang pandemic, mataas pa ang krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with