^

Punto Mo

Mapanghusgang drayber

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BUS terminal.

Ang isang bus ay nakahinto at naghihintay ng mga pasahero. May sumakay na isang babaeng may kargang baby. Pagdaan niya sa tapat ng drayber, hindi nito napigilan ang sarili na pansinin ang anyo ng baby.

Napakapangit naman ng batang ‘yan!

Nabigla ang babae. Ang hunghang na ‘yun, ang lakas ng loob na pintasan ang kanyang anak! Gusto sana niyang sagutin ang drayber pero mas inuna niya ang paghahanap ng mauupuan. Sunud-sunod na ang pumapanhik na pasahero.

Okupado na ang bandang unahan kaya ang babaing may kargang baby ay sa hulihan nakakuha ng upuan, katabi ng isang matandang babae may kalabuan ang paningin dahil sa sobrang kapal ng salamin nito. Mukhang mabait ang matanda kaya ‘yung inis ng babae sa drayber ay naisumbong niya sa matanda.

“Nakakaasar po ang drayber na iyon!” hindi napigilang nasambit ng babae.

Napatingin ang matanda sa babae.

“Ineng, sino kamo ang nakakaasar?”

‘Yung drayber po. Mapanghusga po at pintasero siya!”

“Aba, lumapit ka at kausapin mo ang drayber. Sabihan mo na wala siyang karapatang mamintas sa kapwa.” 

Pagtayo ng babae, nagsalita muli ang matandang may malabong paningin:

“O, iabot mo muna sa akin ‘yang alaga mong unggoy at baka mangagat kapag nagkainitan kayo ng drayber.”

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with